PINAS

Palestinian Prime Minister Rami Hamdallah nakaligtas sa assassination attempt sa Gaza

Pinas News

NAKALIGTAS sa assassination attempt sa Gaza  si Palestinian Prime Minister Rami Hamdallah  matapos na makaiwas mula sa pagsabog sa isang roadside bomb na target ang motorcade ng nasabing opisyal  na  ikinapinsala naman ng kanyang 6 na security guard.

Mas suwerte na lang din at nabigong sumabog ang pangalawang bomba.Ayon sa Palestinian Authority Security Officials, walang grupo na umamin sa responsibilidad ng nasabing pagsabog.

Tiningnan ng mga otoridad ang anggulo ng pag-atake bilang pagtangkang mahadlang ang implementasyon ng unity agreement na nilagdaan nakaraang Oktubre na pinangunahan ng Prime Minister.

Ilang minuto mula sa pagsabog ay naihatid ng Prime Minister ang kanyang talumpati sa isinagawang inagurasyon ng internationally-funded wastewater treatment plant sa Gaza at nangako itong ipagpatuloy ang layunin nito sa Palestinian Unity.

Maglunsad naman ang mga otoridad ng imbistigasyon sa naturang insidente.