Pinas News
KUNG ang gagawing batayan ang bilang ng mga resort sa Boracay at El Nido na nakitaan ngayon ng DENR na lumalabag sa mga batas kalikasan, walang ibang konklusyon ang mararating kundi ang pagiging-iresponsable ng Pinoy
Ayon sa ulat ng DENR, halos 50% ng mga establisi-yemento na nainspeksyon kamakailan sa Boracay, at 99% sa El Nido sa Palawan, ang walang maayos na daluyan ng dumi mula sa kanilang mga kusina at palikuran kundi direkta itong umaagos sa dagat. Hindi ba isang kaungasan na sirain mo ang pinagmumulan ng iyong hanap-buhay? Na dumumi ka sa sarili mong bakuran?
Mariin sanang ito na nga ang bagong panahon kungsaan magkasamang pa-ngangalagaan ng ating mga lokal na pamahalaan, departamento ng kalikasan at ng departamento ng turismo ang ating mga tourist spots para sa kapakanan at kinabukasan ng mga darating na mga henerasyon.