Ni: Jonnalyn Cortez
UNTI-UNTI na ngang kinikilala ang larong football sa Pilipinas. Bukod nga sa nagaganap na ikalawang yugto ng Philippine Football League sa bansa at iba pang mga aktibidad na may kinalaman sa larong ito, patuloy din ang pagyabong ng koponan ng Philippine National Football na Philippine Azkals.
Sa katunayan, naghahanda na ang mga ito upang makapasok sa prestihiyosong 2019 AFC Asian Cup Qualifiers. Magkakaroon nga ng tinatawag na isang internasyonal na laro sa darating na Marso 22 sa Rizal Memorial Football Stadium ang pambato ng ating bansa laban sa nasyonal na koponan ng Fiji ayon sa Philippine Football Federation (PFF).
Sinasabing isa itong hakbang upang pag-initin ang pakikipaglaban ng Philippine Azkals bago ito sumabak sa tunay na laro kontra sa Tajikistan sa darating na Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup Qualifiers sa Marso 27. Tinuturing na isang mahalagang pakikipaglaban sa kasaysayan ng football sa Pilipinas ang paghaharap ng Philippine Azkals at Tajikistan para sa 2019 AFC Asian Cup Qualifiers.
Dahil dito, maaaring pumasok ang koponan ng bansa sa prestihiyosong laro at makaharap ang mga bigating pangkat mula sa Asya – tulad ng Japan, Australia at South Korea.
PAGBUO NG KOPONAN PARA SA PHILIPPINE AZKALS
Sa unti-unting pagsikat ng football sa bansa, oras na nga raw upang sumabak ang Philippine Azkals sa isang kilalang paligsahan kasama ang pinakamagagaling mula sa iba’t-ibang rehiyon. Bunsod nito, inaasahan ang tagapagsanay ng grupo na si Thomas Dooley na suriin at piliing mabuti ang mga manlalaro na bubuo sa nasabing koponan.
Kaya naman maraming nagtatanong kung maaari pang makabalik sa grupo ang midfielder na si Stephan Schrock mula sa Ceres Negros. Mariin nitong sinabi na hinding-hindi na ito pipili mula sa dalawang manlalaro ng Bundesliga.
Matatandaang nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan mula sa dalawang panig. Mula sa sagutan nila noong 2014, nagbalik si Schrock upang lumaban para sa bansa noong Hunyo 2015. Ngunit, pagkatapos ng 2016 Suzuki Cup, muling nawala ito sa grupo.
Bunsod nito, hindi na muling magbabago ang isip ni Dooley sa kabila ng mga hinaing ng mga tagasuporta at mga kumokontra sa grupo. “Is Stephan a good player? Yes, he is, everybody knows that. But I am deciding not about the fame, the age, the color, the size or with political reasons,” mariing sinabi ni Dooley.
Pipiliin nito ngayon ang pinakanararapat para sa ka-nyang grupo na magtatatag ng malakas at magandang tungkulin sa koponan.
ANG PAGSALI NI FALKESGAARD SA PHILIPPINE AZKALS
Sa kabilang dako, pinaghahandaan na ni Michael Falkesgaard ang laban nito kontra kay Neil Etheridge ng Cardiff City. Ito ay upang makasali at makapagsuot ng uniporme ng Philippine Azkals. Ito ang unang beses nitong makikipagpalit ito ng manlalaro sa Southeast Asia nga-yong yugto ng laro. Naniniwala si Falkesgaard, na anak ng isang Pilipina, na ang hakbang na ito ay ang magdadala sa kanya tungo sa kanyang pangarap na maging parte ng koponan ng Pilipinas.
Inanunsyo ng Bangkok United noong nakaraan na kasali si Falkesgaard sa listahan ni Dooley ng koponan ng Pilipinas na lalaban sa Fiji at Tajikistan. Sinasabing upang makasali ang Pilipinas sa Asian Cup, kailangan nito ng “draw” mula sa hu-ling pangkat na F laban sa Tajikistan.
“When the news filtered through to me about my call-up to the national team, one of my first calls was to my parents back in Denmark,” ani 27-taong- gulang na manlalaro.
Naiintindihan ni Falkesgaard na mahigpit ang labanan na magaganap kontra kay Etheridge, ngunit buo ang loob nito upang manalo para sa kanyang kauna-una- hang Asian Cup. “I will always battle for the number one spot and try to prove I’m the best goalkeeper no matter who I’m up against,” anito.
PAGHAHANDA NG GRUPO PARA SA MALAKING LABAN
Ayon kay Dooley, kinakailangan ng Philippine Azkals ngayon na makapasok sa 2019 AFC Asian Cup. Kaya naman, kailangan na laging isipin ng kanyang grupo na kaila-ngan nilang manalo. Paliwanag ni Dooley na hindi dapat maging patas ang makuhang iskor ng Phi-lippine Azkals at Tajikistan. Para sa kanya, ito ay masyadong peligroso at kadalasan ay hindi nagtatagumpay.
“Everything will be positive. Creating a positive environment with positive conversations, positive comments, positive training, positive analytics,” anito.
Siniguro ni Dooey na lahat ng manlalaro ng Philippine Azkals ay gustong ipanalo ang larong ito at makamtam ang pinakamalaking pagka-panalo sa kasaysayang ng football sa Pilipinas. Bunsod nito, pinapangako niya na gagawin ang lahat upang ibigay ang buong a-tensyon nito sa laban kontra sa Tajikistan.