PINAS

Pinoy wagi sa Swimming Competition sa Japan

Pinas News

BUONG pusong pagmamalaking iwinagayway ng isang tubong Albay ang watawat ng Pilipinas matapos na maiuwi ang mara-ming medalya sa ginanap na swimming competition sa Japan.

Nag-uwi ng karangalan si Trump Luistro ng Legazpi Hope Christian School na naging kinatawan hindi lang ng Albay kundi ng bansa sa ginanap na 2018 Japan Age-Group Swimming Championship sa Tokyo kamakailan.

Maraming pagbati ang ipinaabot kay Luistro matapos na masungkit ang gintong medalya para sa 50-meter breaststroke, silver medal sa 50-meter butterfly at isa pang pilak na medalya sa 100-meter freestyle habang nasa ikaapat na pwesto naman ito sa 50-meter freestyle at 100-meter breastroke.