PINAS

Piolo Pascual at Shaina Magdayao magkasama sa Berlin

Ni: Beth Gelena

MAGKASAMA na um-attend sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa Berlin, Germany para sa 68th Berlin International Film Festival.

Lahok sa naturang filmfest ang kanilang movie “Panahon ng Halimaw” (Season of the Devil) na dinirek ng award-winning director na si Lav Diaz.

Saksi ang mga nasa Berlin nang i-hug ni Papa P. Si Shaina nang napakahigpit bago sila naglakad sa red carpet.

Halatang sobrang na-miss ang magandang aktres kaya ganun na lang daw kung yakapin ng aktor ang ka-nyang leading lady.

May pinagsamahan naman kasi ang dalawang ito kung saan na-tsitsismis nga silang magkarelasyon.