• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - January 16, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Sakit na uso ngayong Summer

March 26, 2018 by Pinas News


 

Ni: Vick Aquino Tanes

NGAYONG panahon ng tag-init, huwag maging kampante. Maaaring lumipas na ang mga sakit na dala ng malamig na panahon ngunit huwag kalilimutan na nariyan naman ang banta ng mga sakit na talamak naman ngayong tag-araw. Huwag hayaang masira ang mga planong bakasyon ngayong summer.

Alamin kung anu-anong mga sakit ang uso ngayong tag-init na dapat iwasan. Maging maagap, maging alisto ngayong tag-init!

Bungang Araw

Ang bungang araw ay ang kondisyon ng pagkakaroon ng mga butlig-butlig sa balat at pakiramdam na maaaring mahapdi o makati. Ito ay dahil sa mga nagbarang labasan ng pawis dulot ng dumi at mga bacteria. Pinaka-uso ang kondisyong ito sa mainit o maalinsangang panahon. Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang artikulo tungkol sa bungang araw.

Sunburn

Ang sunburn o pagkasunog ng balat dahil sa tindi ng init ng araw ay usong-uso rin sa panahon ng tag-araw. Ito ay mas lalong madalas sa mga indibidwal na nagbabakasyon sa mga beach at sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw na walang proteksyon gaya ng sunblock. Huwag itong babalewalain sapagkat maaari itong humantong sa mas malalang kondisyon na skin cancer.

Heatstroke

Isa sa mga pinaka nakababahalang kondisyong maaaring maranasan dahil sa sobrang init na panahon ay ang heatstroke. Ang sobrang pagtaas ng temperatura ng katawan ay makaaapekto ng husto sa maaayos na paggana ng mga sistema sa katawan lalo na sa utak. Maaari itong magdulot ng pagpalya ng ilang organ sa katawan, pagkawala ng malay-tao, at ang pinaka-malala, ay kamatayan.

Dehydration

Higit na bumibilis ang pagkawala ng tubig sa katawan sa panahon ng tag-init. Dahil dito, mas tumataas rin ang kaso ng dehydration lalo na sa mga nagpapabaya. Ang dehydration ay isa ring seryosong kondisyon na kung mapapabayaan ay maaaring makamatay.

Pagkahilo sa biyahe

Dahil marami ang nagbabakasyon sa malalayong lugar sa panahon ng tag-init o summer, hindi rin maiiwasang may mga nakararamdam ng pagkahilo sa byahe o motion sickness. Ito ang pagkakaranas ng matinding pagkahilo, pagsusuka, pagliliyo, at pananakit ng ulo.

Fungi sa balat

Ang mga sakit sa balat tulad ng an-an, buni, at hadhad na dulot ng impeksyon ng fungi sa balat ay maaaring mauso rin sa panahon ng tag-init. Dahil sa init ng panahon, ang mga fungi na nagdudulot ng mga sakit na ito ay mada-ling kumakalat sa balat na mamasa-masa sa pawis.

Pagkalason sa pagkain

Tumataas din ang posibilidad ng pagkakalason sa mga pagkain o food poisoning. Dulot pa rin ng mainit na panahon, mas mabilis dumami ang bacteria sa mga pagkaing napapabayaan. Kung ito ay mapapabayaan at mahaha-yaang makain, maaari itong makalason at magdulot ng pananakit ng tiyan, pagsusuka o pagtatae.

Related posts:

  • Dark spots sa balat, paano nga ba mawawala?
  • Bisa ng iba’t ibang klase ng sibuyas
  • Paano iwasan ang stiff neck?
  • Paggamit ng uling sa pagluluto, masama raw sa kalusugan?
  • Bakit masarap ngumuya ng bubble gum?

Buhay Slider Ticker Bungang Araw Dehydration Fungi sa balat Heatstroke Pagkahilo sa biyahe Pagkalason sa pagkain Sakit na uso ngayong Summer Sunburn Vick Aquino Tanes

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.