PINAS

Secretary of State Rex Tillersonn pinagbitiw sa kanyang pwesto 

Pinas News

PINAGBITIW ni U.S. President Donald Trump si Secretary Of State Rex Tillerson sa kanyang puwesto. Ito ay inihayag ng pangulo sa pamamagitan ng kanyang twitter post.

At pinangalanan si CIA Director Mike Pompeo bilang kahalili ni Tillerson.

Pinangalanan naman ni Trump bilang kaunahang babaeng CIA Director si Gina Haspel.

Idinahilan ni Pangulong Trump sa pagpapatalsik kay Tillerson ang kanilang hindi pagkakasundo sa maraming bagay kabilang ang Iran deal.

Si Tillerson ang pinakahuli sa listahan ng mga senior officials na nagbitiw o pinatalsik simula ng umupo si Trump bilang pangulo ng Amerika.