PINAS

Sen. Pacquiao, naghain ng resolusyon

Pinas News

IBINIDA ni Sen. Manny Pacquiao na naghain siya ng re-solusyon sa Senado na naglalayong isulong ang pagtatayo ng advance sports facilities sa bansa.

Ayon kay Pacquiao, nasa ikalawang pagbasa na sa Senado ang panukala at inaasahang maaprubahan ito sa lalong madaling panahon.

Naisipan ng kampeon ng walong dibisyon at nanalo ng sampung titulo na isulong ang panukala dahil nais niyang magkaroon ng atletang mangunguna sa international sports lalo na at siya ang chairman ng committee on sports.