Ni: Vick Aquino Tanes
TIPS sa tamang pag-aalaga ng ngipin, ito ang pinaka matibay na buto kum-para sa ibang buto sa katawan. Ang ngipin ang pinakamatibay na buto ng tao. Kaya naman ibayong pag-iingat at panga-ngalaga ang dapat na gawin upang maging malusog ang mga ngipin. Magandang tingnan kasi sa isang tao lalo na sa bata kapag magaganda at healthy ang mga ngipin.
Kung ikaw ay nakaranas ng kirot habang umiinom ng malamig na inumin o kaya ay habang humihigop ng mainit na sabaw o kape at kapag naluluha ka na dahil sa kirot kapag ikaw ay kumagat sa iyong paboritong tsokolate, kung ang sagot mo ay oo, may malaking posibilidad na ikaw ay dumaranas ng sensitibong ngipin!
Ayon kay Dr. Chit Bautista, Dentist II head ng Caloocan Health Dept. “Kailangang mapanatili ng mga kabataan ang kagandahan at kalusugan ng kanilang mga ngipin habang bata pa para hindi na sila masyadong mahirapan paglaki na kung saan ay nakararanas ang iba ng pagkabulok ng ngipin, pagkabungi dahil sa hindi maayos na pagsisipilyo kaya kailangan talagang magpatingin din sa dentist.”
Ang problema ng sensitibong ngipin ay maaaring magmula sa maraming dahilan. Ito ay pwedeng sanhi ng hindi sinasadyang pagkagat sa isang matigas na bagay na nakapagdulot ng pagkabugbog ng gilagid o buto na sumusuporta sa ugat ng ngipin.
Pagkabasag (fracture) at pagkasira (decay) ng “ena-mel” at “dentin” na parehong bumabalot sa pinaka-laman ng ngipin.
Pagkapudpod ng ngipin lalo na sa may bandang gilagid sanhi ng di tamang pamamaraan ng pagsisipilyo at pati na rin sa pagka-hilig sa pag-inom o pagkain ng mga acidic o sobrang maaasim na inumin at pagkain.
Sobrang pagdami ng “plaque” o malagkit na dumi na puno ng bacteria na nakakapit sa ngipin. Ang mga bacteria na ito ay naglalabas ng mga acido na nagdudulot ng pagkasira ng ngipin at pamamaga ng gilagid.
Para malutasan ang pro-blemang ito, makabubuti kung ikaw ay magpatingin sa iyong dentista para matuklasan kung ano ang bunga ng suliranin.
Kung sensitibo ang pudpod na bahagi ng ngipin malapit sa iyong gilagid, isang mabuting paraan upang malutasan ang pro-blemang ito ay ang paggamit ng desensitizing toothpaste na may mataas na fluoride content.
Ang produktong ito ay makatutulong sa pagbawas ng pangingilo. Para hindi maging grabe ang pagkapudpod, dapat gumamit ng sipilyong may “soft” bristles. Huwag kalimutang itanong sa iyong dentista ang tamang pamamaraan ng pagsisipilyo at paggamit ng floss .
Kung sobra ang pangi-ngilo, umiwas sa sobrang dalas na paginom ng mga acidic na inumin katulad ng softdrinks, maaasim na juice at pati na rin mga sobrang maasim na pagkain at prutas.
Ang mga ito ay panandaliang makakatulong sa iyo, pero huwag palilibanin ang pagbisita sa dentista para mas mapaliwanag sa iyo at mabigyan ng tamang solusyon ang problemang ito.
Tandaan na kahit walang sumasakit sa ngipin mo, dapat ay bumisita ka sa dentista ng dalawang beses sa isang taon.