• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - February 19, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Rice tariffication law bill, batas na
  • Mayorya ng mga Pinoy, naniniwalang konti na lamang ang mga gumagamit ng droga
  • MILO Summer Sports Clinics, inilunsad
  • Joyce Bernal nilinaw ang mga pagbabago sa Marawi siege film
  • Araro Cookies: Ipinagmamalaki ng Bataan
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Vape maaaring magdulot ng Pneumonia

March 12, 2018 by News Pinas


Ni:JONNALYN CORTEZ

MAAARING magdulot ng nakamamatay na sakit na pneumonia ang paggamit ng vape o electronic cigarette. Ayon ito sa bagong pananaliksik na ginawa ng Queen Mary University of London na inilathala sa European Respiratory Journal. Mas mataas nga daw ang tiyansa ng mga gumagamit ng vape na magkaroon ng pneumonia kumpara sa mga taong di gumagamit nito.

Napag-alamang ang usok na nanggagaling dito ay maaaring kasing sama ng usok na nanggagaling mula sa tunay na sigarilyo. Maaari itong magdala ng nakasasamang bakterya sa daanan ng hangin ng tao na nagdudulot ng kondisyong pamamaga ng baga.

Napag-alaman ding ang ganitong epekto ay matatagpuan sa mga e-cigarettes na may nicotine man o wala. “If you choose to take up e-cigarettes, this indicates a red flag that there may be an increased susceptibility to pneumococcal bacteria,” ani Jonathan Grigg, ang co-author ng pananaliksik. Lumabas sa pag-aaral sa 17 na regular na gumagamit ng e-cigarettes na tumaas ng tatlong antas ang PAFR o platelet-activating factor receptor ng mga ito isang oras pagkatapos gumamit ng vape.

Nilinaw naman sa nasabing pananaliksik na hindi nila direktang ikinumpara ang epekto ng paggamit ng e-cigarette sa mga taong naninigarilyo sa tradisyunal na paraan. Pinapayuhan naman ang mga naninigarilyo, e-cigarette man o tunay na sigarilyo, na gumamit na lamang ng nicotine patches o bubble gum upang maiwasan na ang paggamit ng mga ito.

Related posts:

  • Masamang epekto ng ‘Sleep Deprivation’
  • Do-it-yourself hair wax
  • Tatlong tamang paraan upang labanan ang stress
  • GMOs, mapanganib nga ba?
  • Paglagas ng buhok sa mga kalalakihan

Buhay Slider Ticker e-cigarettes electronic cigarette European Respiratory Journal Jonathan Grigg nicotine patches PAFR pneumonia Queen Mary University vape

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.