Ni: Assoc.Prof. Louie C. Montemar
Nitong Pebrero, sa sektor ng enerhiya, nalagay muli sa “yellow alert” ang Luzon dahil u-mabot ang panga-ngailangan sa kuryente sa li-mitasyon ng suplay na kayang likhain ng mga powerplant. Mayroon lamang kapasidad na 9,971 megawatts (MW) sa Luzon, subalit minsang u-mabot ang pangangailangan sa 9,349 MW. Ayon sa pamantayan sa sektor, hindi dapat bumaba sa 647-MW ang re-serbang kuryente upang masiguro ang maayos na daloy ng enerhiya. May banta kung ga-yon sa maayos na pagdaloy ng kuryente.
Patuloy pang tataas ang pangangailangan sa kuryen-te dahil sa init ng panahon at paglago ng mga gawaing pangkabuhayan at pangkaunlaran gaya ng progra-mang “Build, build, build” ng pamahalaan. Sa kabila nito, may kalumaan na ang maraming mga powerplant kaya nga sila minsan ay napapatigil sa operasyon. Paano na, kung gayon, sa mga paparating na tag-init? Ayon sa Meralco, karaniwang nasa pagitan ng Marso at Mayo ang pinakamatinding pa-ngangailangan sa kuryente sa bansa. Gaano kahanda ang bansa ngayon sa usaping ito?
Dagdag pa rito, pasan nating mga Pilipino ang isa sa pinakamataas na presyo ng kuryente sa buong Asya dahil sa mga tinatawag na “artificial charges” o mga singil na ipinataw lamang ayon sa patakaran at hindi naman dahil sa materyal na panga-ngailangan sa produksiyon ng naturang porma ng enerhiya. Kabilang na sa mga artificial charges na ito ang bagong dagdag na buwis o “excise tax” sa lahat ng produktong petrolyo sa ilalim ng batas na TRAIN.
May mga magagawa pa. Halimbawa na lamang, hindi bababa sa siyamnapu’t tatlong (93) mga kasunduan sa suplay ng kuryente (“Power Supply Agreements” o PSA) ang kasalukuyang nakabinbin sa Energy Regulatory Commission (ERC). Ito ay mga kontrata para madagdagan pa ang suplay ng kuryente sa bansa. Mismong ang mga kinatawan sa Konggreso ang humihimok sa ERC na agad nang desisyunan ang ilan sa PSAs na ito ayon sa kanilang House Resolution 1741.
Napakalaki din ng potensiyal ng “renewable energy” o “green energy” sa bansa. Nariyan ang mga solar, wind, geothermal, at hydro-electric energy technologies. Noong 2008 pa pinasa na ang batas hinggil dito. Kailangang tutukan ng pamahalaan ang bagay na ito at buhusan ng karampatang pondo.
Habang tayong mga karaniwang mamamayan ay nagtitipid sa paggamit ng nagmamahal na kuryente, kailangan pang maging mas masigasig at pro-active ang mga kaakibat na ahensiya ng pamahalaan upang ang sektor ng enerhiya ay maisaayos.
Huwag na nating hayaang maging red alert ang nakaraang yellow alert!