Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
NAGPAPASALAMAT tayo sa Ama para sa ating mga kapatid na lalake at babae at mga anak ng Kaharian na matapat na sumusuporta sa ministeryo ng Hinirang na Anak mula sa paglikha ng mga kaluluwa na magiging anak na lalake at babae ng Amang Makapangyarihan.
Ang paghahatid ng ministeryo na ito sa buong mundo ay walang katapusan. Sa tuwing nakikita natin ang mga anak na lalaki at babae sa “Moving-Up Ceremonies”, na umaangat ng isang antas sa kanilang espirituwal na paglago, ito ay nagbibigay ng kagalakan, na hindi maipaliwanag na kagalakan na masaksihan mo dahil ito ay nagpapahiwatig na ang Ama ay namamagitan dito sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak at nanagumpay at walang makapagpipigil kahit ang pagsalakay ng kaaway kahit saan man ako pumunta.
Iyong mapapansin na sa sandaling malaman ng diyablo na pupunta ako sa isang lugar, sinusubukan niyang pigilan ang mensahe ng Anak sa pamamagitan ng pag-uusig, ng maling akusasyon, at ng marami pang ibang mga taktika, upang hindi mahikayat ang mga tao, at upang pigilan ang Hinirang Anak na magpatuloy ngunit kung tunay na kilala ako ng diyablo, dahil kami ay nagkita ng limang taon sa bundok na kung saan ako ay sinubukan at nakapagtapos bilang Hinirang na Anak, dapat ay alam niya. Na walang makapagpipigil sa akin sa pagsulong sa gawain ng Ama saan man ako pumunta.
Ang ilaw ng Hinirang na Anak
Ipinagpapasalamat ko sa Ama na ang buhay at mensahe ng Hinirang na Anak ay tulad ng isang sinag ng liwanag na nagpapaliwanag sa mga tao sa buong mundo at nagkakaroon ng mga anak na lalaki at babae mula sa kanila. Ito ay sapat na pampahimok para sa bawat isa sa na lumalakad kasama ko, sa kabila ng pagsalakay ng kaaway, tayo ay nagpapatuloy. Ang mga paghihirap at balakid na ating hinaharap ay mga kaganapan lamang na tumutulong sa atin na maging mas militante sa pagsulong ng mensahe ng Hinirang na Anak at sa pagsakop sa buong mundo sa liwanag at pag-ibig ng ating Makapangyarihang Ama, ang Panginoong Hesukristo.
Saan man natin matatagpuan ang kaaway, sa lahat ng mga teritoryo kung saan siya ay nagtatago, makikita natin siya, at makikita natin ang mga kaluluwang kanyang kinuha, at ililigtas natin sila mula sa pagkaalipin ng binhi ng ahas ng kasalanan, at bibigyan natin sila ng espirituwal na kalayaan, tulad ng ating tinataglay, na hindi pa nila nalalaman.
Ito ang dahilan kung bakit natatakot ang diyablo sa Pangalan ng Makapangyarihang Ama at ng Kaniyang Bagong Pangalan na nakalantad sa mundo ngayon. Siya ay natatakot sa aking pangalan. Kapag naririnig niya ang aking pangalan, siya ay nanginginig dahil ang bahagi ng ministeryo ng Hinirang na Anak ay upang sirain ang mga gawa ng diyablo kung saan man ako pumunta, saan man siya matatagpuan. Ako ay magpapatuloy upang sirain ang mga teritoryo ng kadiliman at itatag ang mga bantay ng liwanag. Ang Kongregasyon ng Kaharian ay patuloy na manganganak. Ang mga anak na lalaki at babae ay patuloy na ipanganganak sa Kaharian.
At ngayon, inilalantad ko ang Modernong Antikristo.
DALAWANG MALALAKAS NA BALWARTE NA BUMIBIHAG SA KAISIPAN
May digmaan na nanalasa sa paligid natin, na may dalawang magkakaibang pwersa na nagnanais na kontrolin ang ating isipan. Ang mga pwersang ito ay naglalayong tayo ay daigin at upang tayo ay mapapasunod.
Dapat nating seryosohin ito dahil hindi lang ako nakikipag-usap sa mga anak ng Kaharian, ako ay nakikipag-usap sa lahat ng tao sa mundo na nabihag ng pang-akit na ito, ang paglilinlang at taktika ni Satanas na si Lucifer ang Diyablo sa pagsira ng kaluluwa ng tao. Narito ako upang magligtas ng mga kaluluwa. Si Satanas ay narito upang sirain ang mga kaluluwa.
Nailantad ko na ang panlilinlang ng relihiyon, na kung saan ay natuklasan natin sa maraming beses. Ngayon, isang modernong pakikibakang espirituwal ang nangyayari at nakalulungkot na ako lamang ang nagbubunyag nito.
Kaya makinig kayo ng mabuti dahil ako ay gumawa na ng unang hakbang upang ang mga bagay na ito ay mailantad at ang WWW.COM ay may malaking parte nito.Mayroon akong dalawang acronym dito upang sabihin sa inyo kung paano ito sa espirituwal na mundo.
Ang salitang C-A-M-P, na ang ibig sabihin Constructive Altered Mental Positivity. Iyon ay kung saan tayo. Sinisikap kong baguhin ang iyong kaisipan, sa espirituwal, sa pamamagitan ng Manna ng mga Kapahayagan na iyong natatanggap mula sa akin. Ito ay tinatawag na espirituwal na katotohanan. Iyan ay kung nasaan ka.
Samantala ang D-A-M-N naman ay ibig sabihin nito ay Destructive Altered Mental Negativity sa pamamagitan ng Internet.
Ang akin ay Constructive Altered Mental Positivity sa pamamagitan ng mga Manna ng Kapahayagan . Iyon ang dahilan kung bakit ikaw ay nasa espirituwal na katotohanan ngayon. Nauunawaan mo ang tungkol sa binhi ng ahas, na ginagawa ang iyong kalooban laban sa kalooban ng Ama. Iyon ay nakakatulong dahil ito ay hahantong sa iyong kaligtasan.
Itutuloy