PINAS

Ferry Station service sa Pasig River, aarangkada na

Ni: Vick Aquino Tanes

ITUTULOY ang mga naudlot na programa para sa pagpapaganda ng Pasig River, kabilang na dito ang muling pagbuhay ng ferry service station at iba pang beautification projects, matapos aprubahan at laanan ng pondo ng pamahalaan ang River Ferry Convergence Program.

Aabot sa mahigit sa P1-Trilyong piso ang pondong inilaan para sa River Ferry Convergence Program na nakapaloob sa 2018 budget ng administrasyong Duterte para sa programang imprastraktura.

Kasama sa pagpapalakas ng Pasig River Ferry ay ang pagdadagdag ng bilis ng lahat ng ferries, pagsasaayos sa infrastructure katulad ng pagtatayo ng mga karagdagang terminal at paglalagay ng recreation and leisure at pagtatayo ng parks sa mag-kabilang pampang ng ilog, pagsusulong ng environmental protection, kasama na ang pagpapaganda, kaayusan at kalinisan ng Pasig River.

Nabatid na magtatayo ang pamahalaan ng karagdagang 17 bagong istasyon at magdaragdag ng mga bagong bangka sa Pasig River Ferry System, na magseserbisyo sa libu-libong commuters nito.

Sa naganap na breakfast forum kamakailan sa Pasig City, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) program manager for the Pasig River Ferry Convergence Program Julia Nebrija, na mula sa kasalukuyang 12 istasyon lamang ay nais nilang magkaroon ng 29 istasyon ang naturang ferry service system.

Layunin nito na gawing mas reliable itong uri ng pu-blic transportation na maka-tutulong sa pagpapaluwag ng masikip na trapiko sa Metro Manila.

Planong itayo ang mga bagong istasyon sa kahabaan ng Pasig River sa mga lungsod ng Maynila, Mandalu-yong, Makati, Taguig, Pasig at Marikina, hanggang sa bukana ng Laguna Lake.

Sa kasalukuyan ay may 12 istasyon ang ferry system, na matatagpuan sa Intramuros, Manila hanggang Guadalupe sa Makati City lamang at planong magdagdag ng 24 na bagong bangka upang magserbisyo sa tinatayang 76,000 commuters ng ferry system kada araw.

DBM popondohan ang Pasig River programs

Lalaanan ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang proyekto para sa Pasig River programs, katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kung saan magsasagawa muna ng ocular ins-pection ang ilang miyembro ng technical working group para tuluyang maisaayos ang nabanggit na ilog.

Inuumpisahan na ang pag-lalagay ng dagdag na 29 na istasyon mula sa kasaluku-yang 12 stations ng ferry system na bumabaybay sa Pasig River.

Una nang inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na bibigyan nila ng pondo matapos aprubahan ng Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang bagong ferry system para sa Ilog Pasig.

Ayon kay Diokno, tatlong kumpanya na ang nagpaha-yag ng interes na hawakan ang operasyon ng ferry system kaya’t posibleng isagawa na ang bidding para dito at planong itatag ang Pasig River Ferry System sa panahon ng Kapaskuhan, inaasahang magsisikip ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroon na silang binuong Technical Working Group (TWG) na binubuo ng 10 ahensiya ng pamahalaan na tumatalakay sa mga de-talye ng budget na kakaila-nganin para sa  pagdaragdag ng mga bagong istasyon at rehabilitasyon ng naturang ferry system.

“Put up a ‘yung reliable talaga na ferry system sa Pasig, ang plano namin ay 24 boats, 50 capacity per boat, ang wai-ting time will be every 15 mi-nutes, sa Marikina, Makati papuntang Intramuros, so mga 45 minutes ‘yung biyaheng ‘yun, malaking kaginhawaan ito sa mga kababayan natin lalo na sa mga estudyante,” pahayag ni Diokno.

Matatandaang una nang nagawa ang Pasig River Ferry Service noong 2011 na mayroong 12 stations na bumabaybay sa 15-kilometrong ruta mula Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila hanggang sa Nagpayong, Pasig City.

Umabot sa 150 katao ang naisasakay ng ferry service ngunit hindi naging matagumpay dahil na rin sa mabagal na serbisyo at kulang sa pasilidad.

Cavite-Pasig River Ferry System

Layunin na maibsan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila, nakakuha ng solu-syon para sa pagpapalawig ng Pasig River Ferry tungo sa lalawigan ng Cavite para guminhawa ang paglalakbay ng mga commuter.

Kamakailan lamang ay lumagda sa isang kontrata ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa Super Ferry Transport Incorporated (SFTI) sa Cavite para sa pagtatayo, maintenance at operation ng ferry terminal sa Pasig River Banks na nakahimpil sa Intramuros station.

Sa pagpasok ng kasunduan sa pagitan ng PRRC sa pribadong operator ng Cavite-Pasig River Ferry System, naganap ang pirmahan ng kontrata para sa pagtatayo, maintenance at operation ng ferry terminal sa Pasig River Banks sa Intramuros.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, makabuluhan ang pagtatatag ng maasahan, mura at episyenteng Pasig River Ferry System hindi lamang sa mga mananakay kundi maging sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at ito ay makapag-aambag para sa mas ma-ginhawang pamumuhay sa Metro Manila.

Nabatid na popondohan ng SFTI ang konstruksiyon ng Ferry Terminal na naayon sa Ferry Station Design requirements ng Intramuros Admi-nistration at para sa maintenance, insurance, overhead, miscellaneous, permits and taxes.

aprubado sa pangulo

Naiinis na umano ang Pangulo sa patuloy na pro-blema sa trapiko partikular na sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at upang makaiwas sa matinding trapik sa Metro Manila ay alternatibong ferry service ang marapat na gamitin.

Una nang sinabi ng Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State Of the Nation Address (SONA) ang pagkilala at pagbuhay sa Pasig River Ferry System, bilang alternatibong transportasyon na magagamit ng mga pasahero.

Iginiit ni Duterte na ito ang isa mga nakikitang solusyon at dapat tangkilikin ng tao para maibsan ang lumala-lang krisis sa transportasyon at traffic sa Metro Manila habang isinusulong pa ang karagdagang railway system sa bansa.

Maging ang pamunuan ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) ay nakikiisa sa programa dahil mababawasan ang matinding trapiko sa Metro Manila kasabay ng paglalagay ng ferry boats at pagdaragdag ng terminal sa Pasig River.

Kabilang sa mga istasyon ang Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; PUP-Sta. Mesa; Sta. Ana; Lambingan; Lawton; Escolta at Plaza Mexico sa Maynila.

Water lilies sa Pasig River, pagkakakitaan

Isusulong ang pangkabuhayan para sa mapagkakitaan ang mga lumalagong water lilies sa Pasig River na masa-sabing dati ay salot, ngayon ay kabuhayan ang dulot.

Masyado na umanong malago ang mga water lilies, kasabay na nagawa nang pagkakitaan ito ng ilang Local Government Units sa Marikina at sa Las Piñas na kung saan sa Marikina ay nagawa itong tsinelas habang sa Las Piñas naman ay handicrafts.

Karamihan sa mga programa ay ang pagpapaibayo sa paghahanap ng pamilihan para sa mga basket na mula sa water lilies at pagtatayo ng sentro ng pagpoproseso ng naturang halaman.

Layunin nito na tuluyan nang maubos ang mga lu-malagong water lily sa Pasig River upang mapadali at maging maayos ang daloy ng biyahe ng mga ferry boats.

Nabatid na sumasakay din ng ferry ang Pangulong Duterte kapag tumatawid ang sinasakyan nitong tugboat mula sa official residence nitong Bahay Pangarap patungong Malacañang Palace.

Ang ferry service sa Pasig River ang isa sa nakikitang solusyon para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.