IPINAGMAMALAKI ni Janine Gutierrez ang mga namamana niyang dress, shoes and bags na binibigay sa kanya ng kanyang mamita (Pilita Corrales). Tulad ng gown na suot niya nu’ng siya’y nasa Bali, Indonesia, ‘yun ay galing sa baul ng kanyang mamita.
Naka-post sa social media ang picture ni Janine na may caption Janine Gutierrez’s vintage gown.
Ani Janine, “suwerte lang kasi because we’re the same size din ng shoes, so yung mga luma niyang shoes at bags, ako yung nakakapag-recycle.”