Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Ang Destructive Altered Mental Negativity sa pisikal na pagpapaliwanag ay katulad sa paggamit ng droga tulad ng shabu o cocaine, kung saan binabago nito ang iyong pag-iisip patungo sa mga negatibong bagay sa buhay papunta sa kasiraan.
Sa kasalukuyan ay may bagong shabu sa mundo, ito ay ang Internet. Nakikita mo ito ngayon na nangyayari sa mundo. Mga bata na may dalang baril na pumapasok sa paaralan at namamaril sa mga tao.
Saan mo makikita ang ganitong uri ng sitwasyon? Subukan mong maglaro sa Internet at makikita mo ang pagtilamsik ng dugo at ikaw ang humahawak ng gatilyo. Ikaw ang bida sa pamamaril sa mga kalaban. Ang isang ulo ay sumabog dito. Isang ulo ang sumabog doon. At hindi mo namalayan, hindi lamang sa internet mo gustong maglaro ng pamamaril, gusto mo na itong gawing makatotohanan. Kaya ikaw ay pumapasok sa eskweala na may dalang baril.
Ako’y nagagalak na ito ay hindi masyadong naka-aapekto sa atin dito sa Pilipinas hindi katulad ng nasa Kanluran. Marahil ito ay sa dahilang doon ito nagpasimula.
Tingnan na lamang ang Amerika, tingnan mo ang mga batang nagdadala ng baril sa eskwelahan at kanilang pinagbabaril ang kanilang mga kaaway, gamit ang Destructive Altered Mental Negativity. “Marami na akong pinatay na mga kalaban sa Internet. Ngayon naman ay papatayin ko ang aking mga kaaway”.
Ang pamamaril ay naging normal na lamang sa kanila dahil ang kanilang pag-iisip ay nasira na. Ang kanilang virtual reality ay naging physical reality. Yan ay gawa ni Satanas Lucifer na Diyablo.
Ngunit narito ako sa ating CAMP. Binabago ko ang lahat ng inyong negatibong saloobin upang maging positibo kayo sa inyong pag-iisip.
Kaya nga sino ang aking kaaway ngayon?
Si Satanas na nasa Internet. Si Satanas na nasa inyong mga cellphone. Si Satanas na nasa inyong mga laptop. Si Satanas na nasa inyong mga smartphone. Lahat kayo ay may Satanas sa inyong bulsa.
Doon siya ay nagtatago. Naghihintay lang siya sa inyo upang buksan ang Pandora’s Box upang ang lahat ng kasamaan ay lalabas, tulad ng isang kuyog ng mga lamok kung ano ang makagat sa inyo, mas masahol pa sa Dengue at walang bakuna.
Inilalantad ko ang Internet bilang modernong Antikristo
Lahat kayo na may mga laptop, nagdadala kayo ng makabagong puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Nasa inyong mga bulsa ito ngayon. Kahit na ito ay nasa ilalim ng inyong kontrol, ito ay kaakit-akit. Ang bawat tao’y may ganito.
Ang buong mundo ay may ganito. Maaari kang makipag-usap ng mabilis gamit ang Internet. Maari kang makipag-usap sa inyong mga kaibigan hindi lamang sa pamamagitan ng audio kundi pati na rin sa pamamagitan ng video. Maaari akong kumuha ng isang larawan o isang video ngayon at sa loob lamang ng ilang minuto ay makikita mo na ito sa Internet.
Maraming paraan upang makaranas ng Facebook at Twitter kung saan ang lahat ng bagay ay naroroon.
Sinasabi sa atin ng 2 Corinto 10: 3
(3) Sapagka’t bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.
Ano ang aming mga armas?
(4) (Sapagka’t ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
Ang Internet ay isa sa mga balwarte ni Satanas Lucifer ang Diyablo sa kasalukuyan. Ito ay kanyang ginagamit upang akitin ang mga kalalakihan at kababaihan, at maging ang mga bata.
(5) Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pag-iisip sa pagtalima kay Kristo;
Ang relihiyon ng mundo ngayon ay hindi ang mga relihiyon at denominasyon ng Panahon ng Simbahan. Ang relihiyon ng mundo ngayon ay ang www.com. Ang bawat lalaki at babae na naninirahan sa mundo ay miyembro nito. Ikaw ay miyembro nito at hindi mo ito nalalaman.
Hindi ko sinasabi na hindi ninyo gagamitin ang inyong cellphone. Gamitin ninyo ito ngunit ituturo ko sa inyo kung paano ito gagamitin. Ituturo ko sa inyo kung paano ninyo labanan ang Antikristo ng inyong cellphone. Siya ay kasama ninyo sa araw-araw.
Ang ilan sa inyo ay pala-ging nagdadala ng inyong cellphone kumpara sa Bibliya o sa pangangaral ng Anak. Pinupuno ninyo ang inyong mga tainga ng ibang mga bagay nang higit pa sa pakikinig sa aking pangangaral. Mag-ingat kayo.
Ito ay giyera sa pagitan ng laman at espiritu, sa pagitan ng pagkawasak at kaligtasan ng inyong kaluluwa.
2 Corinto 10:5
Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pag-iisip sa pagtalima kay Kristo.
Itutuloy…