Ni: Noli C. Liwanag
ITINAGUYOD ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) sa ilalim ng Republic Act. No. 7796, o Technical Education Skills Development Authority Act of 1994.
Naglalayong linangin ang mga kasanayan para sa ikauunlad ng Human Resources dito sa Pilipinas upang may magandang buhay ang bawat Pilipino.
Layunin ng TESDA na makatalaga ng programa at pamantayan ukol sa kalidad ng technical education and skills development at manguna sa pag-unlad ang ating mamamayan at maging world-class ang kakayahan sa food processing, dress making, housekeeping at iba pa.
Dahil dito, mayroong mga institusyon tulad ng TESDA na nagbibigay ng training para magkaroon ng oportunidad ang Pinoy.
Ang misyon ng TESDA: Magbigay ng direksyon, polisiya, at mga programa para sa kalidad na edukasyong teknikal at maiangat ang kakayanan ng bawat mamamayan.
Mula sa iba’t ibang programang pang-edukasyon, ang mga kukuha nito ay magkakaroon ng sapat na kaalaman para makamit ang trabahong gusto nilang pasukan.
Kapag nakapagtapos, meron ka pang makukuhang certification o patunay na ikaw ay may kalidad na kakayanan. Sa kaalaman na makukuha mo sa TESDA, maari kang magnegosyo, mag-freelance o kaya ay maging empleyado sa isang kumpanya.
Maari rin magpunta sa mga accredited TESDA Learning Centers sa buong bansa. Merong Mobile Training Centers ang TESDA at para sa mga may internet, pwede rin sa TESDA Online Program.
8,882 OFWs, NATULUNGAN
Nakapagtala ng 8,882 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang dependent ang natulungan ng Technical Education and Skills Deve-lopment Authority (TESDA) noong taong 2017.
Ayon kay TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang nasabing bilang ay batay sa isinumiteng accomplishment report ng Partnership and Linkages Office (PLO) kaugnay sa Reintegration Program for Overseas Filipino Workers (OFWs) for 2017 ng ahensya.
“For 2017, a total of 8,882 Overseas Filipino Workers (OFWs) and their dependents were provided assistance by TESDA,” nakasaad sa PLO Report.
Sa kabuuang bilang, 1,749 ang napagkalooban ng scholarship assistance gaya ng training for work scholarship (TWSP), kung saan kasama dito ang 189 beneficiaries ng TESDA Emergency Skills Training Program (TESTP); special training for employment program (STEP) 129; bottom-up budgeting (BuB), 102; at private education financial assistance (PESFA), 35.
Naitala na ang TWSP ang may pinakamataas na bilang ng mga graduates na 1,483 o 84% sinundan ng STEP, 129 o 7.38% , BuB, 102 o 5.83 % at PESFA, 35 o 2.00%.
Samantala, umabot naman sa 2,216 OFWs at dependents ang nabigyan ng ibang serbisyo at tulong; 1,373 ini-refer sa TVIs para sanayin; 622 nabigyan ng impormasyon tungkol sa serbisyo ng TESDA; 175 na-survey at na-profile gamit ang training needs analysis; 18 na-assess at na-certified; 9 ini-refer sa ROs at POs; at 8 dependents ang ini-refer sa TVIs for training.
Sa ulat ng Regional Offices, ang may pinakamataas na bilang ng mga pinauwing OFWs ay mula sa Saudi Arabia na may nakatalang bilang na 847.
Sa ‘One Stop Service Center for Overseas Filipino Workers (OSSCO) sa Philippine Overseas Employment Administration, 4,917 ang nabigyan ng tulong.
Sa kabuuang bilang, 2,606 ang nabigyan ng training assistance at scholarship program; 971 natulungan sa competency assessment; 89 sa pagpapalit ng National Certificate (NC) at Cetificate of Competency (COC); 73 nabigyan ng Cetificate of Authentication and Verification (CAV); 51 sa renewal ng NC/COC; at 1,127 ang nagtanong na nabigyan ng kasagutan.
Ang Reintegration Program for Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kasama sa 17-Point Reform Agenda ng TESDA sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
NISP INILUNSAD
Maisasakatuparan ng gobyerno ang hangarin nitong maiangat ang antas ng kabuhayan at pamumuhay ng may 28 milyon katutubo, mga rebel returnees at mga kapatid na Muslim, sa inilunsad na National Integration Scholarship Program (NISP) sa National Capital Region, Region lV-A, Region 1V-B at sa Region III.
Ang programa ay may temang “Serbisyong Ramdam at Kapaki-pakinabang” na ginanap sa TESDA Covered Court, TESDA Complex, Taguig City na pinangunahan ni TESDA Director General Guiling “Gene” Mamonding.
Ito ay dinaluhan ng mga rebel returnees, IPs at Muslim Filipinos na mula sa Region lV-A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas,Rizal, Quezon), Region lV-B o MIMAROPA (Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Puerto Princesa, Romblon), National Capital Region (NCR) , at Region III.
Ang programang ito ay nakapaloob sa pinagtibay na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina Mamondiong at Leonor T. Oralde-Quintayo, chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong Pebrero 28, 2017.
CONSTRUCTION WORKERS SASANAYIN
Magsasanay ng 100,000 construction workers ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buong bansa kaugnay sa “Build, Build, Build” program ni President Rodrigo Duterte.
Ang proyektong ito ay inilunsad ni TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong sa idinaos na National Integration Scholarship Program (NISP) Forum sa Butuan City kamakailan.
Ang mga sasanaying mga contruction workers ay magmumula sa grupo ng mga indigenous peoples (IPs), mahihirap at rebel returnees sa buong bansa.
Ayon sa TESDA chief, ang magsisipagtapos ay kukunin para tumulong sa pagpapatayo at pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, gusali at iba pang mga infrastructure projets ng gobyerno.
Aniya, ang “ambitious bridge projects” ng Duterte admi-nistration na mag-uugnay sa mga lalawigan ng Negros Oriental, Cebu, Bohol at Leyte ay kabilang sa Build, Build, Build program para gawin ang mga island provinces na madaling marating sa pamamagitan ng land travel.
Ang Build, Build, Build infrastructure programs o tinatawag na “Dutertenomics” ay planong maglaan ng $160 bilyon hanggang $180 bilyong pondo para sa sinasabing mga “ambitious projects” tulad ng Mega Manila Subway, complex road networks, long-spand bridges, flood control, urban water systems at marami pang iba na planong tapusin hanggang 2022.
LIFEGUARDS NG TESDA
Tag-init Summer at panahon na naman ng swimming, kaya nanguna ang TESDA para maging handa at maayos ang mga lifeguards sa ibibigay na serbisyo sa mga swimming areas tulad ng pools at beaches sa buong bansa.
Matapos ilabas ng TESDA ang “Implementing Guidelines on the Deployment of Training Regulations (TRs), Competency Assessment Tools (CATs), Assessment Fees for lifeguard Services NC ll at Lifeguard Services NC lll.
Pinagtibay ng TESDA Board ang TRs upang maging handa ang mga lifeguards para matiyak ang kaligtasan ng mga swimmers sa pools at beaches.
Ang nabanggit na TRs ay binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Life Saving Society (PLSS).
Ang TRs para sa Lifeguard Services NC ll at NC lll ay bukas na at kasama na sa mga kursong inaalok sa mga technical vocational institutions na accredited ng TESDA.