HINDI ang kanyang kapansanan ang hahadlang para ipagpatuloy ni Nick Newell ang kanyang pangarap, dahil bukod sa Mixed Martial Arts, pinasok rin niya ang mundo ng wrestling at Jui-jitsu, bagay na magpapatunay na para magtagumpay-taktika, talino at husay ang kailangan.
Maituturing na hindi isang ordinaryong MMA fighter si Nick Newell, dahil kumpara sa kanyang mga nakakalaban, walang kaliwang braso at kamay si Nick. Sa kabila nito hindi dapat maliitin ang kanyang kakulangan, dahil sa tuwing tatapak sa ring, kinakatakutan ng kanyang mga nakakatapat ang kanyang pamatay na teknik sa paglaban, mga taktikang pumupuntirya sa paghinga ng kalaban.
Handang humamon ang gustong manalo
Nagpakita ng buong tapang si Nick nang pasukin ang mundo ng MMA, dahil sa unang pagkakataon, handang humamon ng laban ang isang atletang kulang ang isa sa napakaimportanteng bahagi ng katawan upang makalaban ng buong husay.
Ginagamitan ng buong katawan ang sports na MMA, ang braso, kamay ay paa ay napakaimportante sa bakbakan, kapag buong husay ang lakas, bilis at coordination ng manlalaro, madali na mapapatumba ang kalaban at malaki ang tyansa na manalo.
Ngunit paano kung kulang ng braso at kamay ang humamon, ito ba ay hadlang o bentahe sa kanya?
Pinatunayan ni Nick Newell na maaring idaan sa taktika para mapunan ang kahinaan ng isang manlalaro. Sa pamamagitan ng armbar, guillotine choke, rear-naked choke, heel hook at face crank, nagagawang talunin ni Nick ang kalaban, mga teknik kung saan mapipilitan na lamang sumuko ang kalaban dahil sa hirap na itong makahinga.
“When you’re good enough and you know it, and you know you can beat these guys who are fighting, it’s kind of difficult to sit just back and watch when you want to be out there, So at the end of the day, that’s always the goal, it’s always been the goal, and I feel like now more than ever I’m ready, I’m ready to go out and make a name for myself, even more so than I already have,” pahayag ni Nick.
Kung mayroon mang hadlang para magtagumpay, ito ay takot at hindi kapansanan o kakulangan ng isang tao. Paniniwala ni Nick na tayo lamang ang gumagawa ng dahilan para ipagliban ang ang ating mga pangarap at isantabi ang hangganan ng ating kakayahan.
Amputee Champion
Isinilang na may kapansanan ni Nick, ngunit lumaki siyang normal at maliksi. Sa suporta ng kanyang pamilya, nagsanay at nahasa siya sa martial arts. Dahil rin sa kanyang kondisyon nakapokus ang kanyang training sa pagpapatumba ng kalaban.
Hindi nagpadala si Nick sa diskumpiyansa ng ibang tao sa tuwing nakikita siya sa loob ng ring dahil alam niya sa kanyang sarili kung paano tatalunin ang kalaban.
Gamit ang natutunang teknik naabot niya ang pinakamatataas na titulo sa jui-jitsu, ang black belt. At noong pumasok ng kolehiyo, nagsimula rin siyang magsanay sa wrestling at umangkin ng titulong 300 na panalo mula sa kanyang wresling match simula highschool hanggang kolehiyo. At ngayon, sa MMA naman siya nagpapakita ng gilas at lakas.
Ayon kay Nick, isa sa mga hinahangaan niya ang Yankees pitcher na si Jim Abbott, atleta na may kaparehas ng kanyang kondisyon.
“I absolutely know that I’m world class. I know I belong, and I know I can do well even in the UFC. I’m a black belt in jiu-jitsu, and I’m a college wrestler, and with my striking, my footwork is always in the right spot, maybe I don’t always have the multi attacks everyone else has, but I have very good range and now that my body as working as well as it is I really feel like I can take a fight with anyone and not only hold my own but win.”
Sa ngayon hawak ni Nick record na 14 wins at isang pagkatalo, pito sa kanyang panalo ay dahil sumuko ang kalaban, dalawa ay dahil sa technical knock-outs at isa ay knock out sa loob ng dalawang minuto na bakbakan sa ring.
Dahil dito tinagurian siyang “notorious” ng kanyang mga kalaban dahil sa kanyang techniques at istilo sa laban. Simula noong mahawakan ni Nick ang tagumpay kumapit siya dito ng mahigpit para patunayan na kaya niya manalo sa kabila ng kakulangan ng braso at kamay.
Life is a cold, hard place. It will chew you up and spit you out, so you can either become a victim of circumstances or you can create your own. I’m out here, I’m creating my own circumstances. I’m one of the best fighters in the world and I belong in the UFC. That’s it. That’s final. I gave you 14 reasons why I belong in the UFC. I’m one of the best fighters in the world and I proved it 14 times.”
“At the end of the day, you’ve gotta realize that life’s not fair, sometimes you start a little further back from the starting line. And you’re going to have to work a little bit harder, and push it faster to get to the finish. I’m willing to put in the work, to compensate for other things, to get ahead, to get to where I want to be.”