Ni: Noli C. Liwanag
DINAGIT ng Adamson University (AdU) Pep Squad ang gold medal sa Asia Cheerleading
Invitational Championships (ACIC) 2018 na ginanap Singapore.
Inanunsyo ng pamantasang itinatag noong 1932 ang balita sa kanilang Facebook account na wagi ang cheering squad ng Adamson sa Pom Division.
Ang ACIC ay isang kompetisyon na bukas sa lahat ng international teams sa buong mundo, na mayroong iba’t ibang age divisions sa cheer levels at freestyle pom.
Matatandaang napanalunan sa kauna-unahang pagkakataon ng AdU Pep Squad ang kampeonato sa UAAP Cheerdance Competition.