PINAS

Albay Sports Summit Sa Hulyo

Ni: Noli C. Liwanag

SIGURADO na ang paghaharap ng mga delegasyon sa iba’t ibang sports sa Albay kaugnay ng Albay Sports Summit 2018 na gaganapin sa pangunguna ng Philippine Sports Commission at Bicol University.

Ilang buwan pa ang paghahanda ng mga sasali matapos na mailipat ang schedule ng palaro sa buwan ng Hulyo mula sa una nang napag-usapan na Abril 10 hanggang 14 dahil sa pag-overlap nito sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018.

Kaugnay nito, nagkaroon na rin ng coordination meeting sina Provincial Sports Coordinator Leonardo Flores, Men’s to Offer Recreational Sports Association, Inc. (MORSA), Bicol University Sports Development Coordinator Dr. Celerino Palacio, Sangguniang Panlalawigan Sports Commitee chair JP Lee at mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd).

Kabilang naman sa mga sports sa summit ang volleyball, basketball, baseball, athletics, football, at boxing na gaganapin sa Bicol University College of Industrial Technology, Albay Astrodome, at BU grounds.

Ayon kay Flores, nilalayon ng aktibidad na maipakita sa mga stakeholders na kaya ng lalawigan ang paghost ng sports summit at magsilbing ground sa Training Sports Center.