Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
MULA sa trahedyang pinagbili si Joseph ng kanyang mga kapatid sa isang mayamang negosyanteng si Potiphar, sinundan pa ito ng mas malaking kapagsubukan.
Nagkaroon na naman ng isang trahedya sa buhay ni Joseph. Dahil siya ay gwapu at bata pa, nagkaroon ng pagnanasa si Mrs. Potiphar kay Joseph.
Dumating ang araw na hindi na napigilan ni Mrs. Potiphar ang kanyang sarili at kanyang pinuntahan si Joseph at sinabi “Joseph, sumama ka sa akin at gawin natin ang makamundong gawain.” Ngunit sinabi ni Joseph “hindi ko magagawa iyon. Una pinagkatiwalaan ako ng a-king boss. Pangalawa, natatakot ako sa Diyos. Hindi ko magagawa yon.”
Ang takot sa Diyos ay nanaig kay Joseph
Ang pagtuksong ginawa ni Mrs. Potiphar kay Joseph ay hindi nagtagumpay. Dahil sa napahiya at nainsulto ito, gumawa ito ng isang kwento laban kay Joseph. Kanyang pinunit ang damit nito at nang umuwi ang kanyang asawa ay kanyang sinabi, “Tingnan mo ang ginawa ni Joseph, pinagkatiwalaan mo siya sa lahat ng bagay dito sa loob ng bahay, ngunit hindi ito nakuntento. Gusto pa niya akong angkinin, gusto niya akong gahasain. Tingnan mo ang aking damit.”
Si Potiphar ay umapoy sa galit nang marinig iyon at hindi ito nagdalawang-isip na pinakulong si Joseph. Iyon ang pangalawang trahedya.
Nakapagtataka na minsan ay may masasamang bagay na nangyayari sa mga mabubuting tao tulad ni Joseph. Siya ay inosente. Wala siyang ginawang masama. Siya ay ipinagbili.
Naihiwalay siya sa kanyang pamilya. Ang kala-yaan sa pagpili ng kanyang mga kapatid ay masama. Si Mrs. Potiphar ay gumawa ng pagpili at ito ay tinanggihan ni Joseph. Pinili ni Joseph na sundin ang kalooban ng Ama anuman ang mangyari, at dahil sa pagpiling yaon, siya ay napunta sa kulungan.
Walang kasalanan si Joseph. Siya ay pinaratangan at nahatulan. Kung mayroon lamang diaryo, telebisyon at radyo sa mga panahong yaon ay maaring nasa headline na si Joseph.
“Joseph, lingkod ni Potiphar, sinubukang gahasain si Mrs. Potiphar; inaresto at tinapon sa kulungan. Napakasamang tao.”
Huwag mag-alala sa mga sirkumstansiya
Ngunit kapag ikaw ay nasa kalooban ng Ama at pinili mong mabuhay at gawin ang kalooban ng Ama kahit na anuman ang mangyari, kahit ang sirkumstansiya ay pabor sa iyo o may negatibo man itong dala laban sa iyo, huwag kang mag-alala, sapagkat ang Ama ay nasa sa iyo katulad nang siya ay nasa sa Akin.
Ako’y gumawa ng disisyon na sundin ang kalooban ng Ama at ako ay inakusahan ng maraming bagay dahil dito, hanggang ngayon. Subalit tingnan na lang kung saan ako ngayon at saan ako bilang Kanyang Anak? Marami ang nag-akusa sa akin na ngayon ay tumahimik na.
Sila ay patay na ngayon. Marami sa kanila na piniling gawan ako ng masama noon ay wala na ngayon. Sila ay namatay na. Sila ay hindi naniwala na ang mga sinasabi ko ay totoo. Ngunit iyon ang katotohanan.
Nang si Joseph ay tinapon sa kulungan, yun ay parang isang trahedya, ngunit yun din ang umpisa ng kanyang pagbangon.
Laging piliin na sundin ang kalooban ng Ama
Kung iyong nabasa ang tungkol sa mayordomo at panadero. Sila ay nagkaroon ng panaginip at yun ay binigyang kahulugan ni Joseph. Sinabi niya sa panadero, ikaw ay mamamatay, sa mayordomo naman, sinabi niyang ikaw ay makakalaya at babalik sa bahay ng hari, kapag ito ay magkatotoo, huwag mo akong kalimutan.
At nangyari nga na ang panadero ay namatay at ang mayordomo ay binalik sa bahay ng hari, ngunit kinalimutan niya ang tungkol sa sinabi ni Joseph.
Pagkatapos ay nagkaroon ng panaginip ang Paraon at ito ay hindi kayang ipaliwanag ng mayordomo. Yun ang panahong naalala niya si Joseph. “Si Joseph, ang marunong sa mga panaginip.”
Kaya sinabi niya sa Paraon, “ ako ay may kasamahan dati sa kulungan na marunong magpaliwanag ng mga panaginip. Sa katunayan, siya ang nagbigay kahulugan sa aking panaginip at ngayon nga ay nangyari ito sa akin. Baka itong panaginip mo ay kayang ipaliwanag ni Joseph para sa iyo.”
Tinawag nila si Jose at binigyang-kahulugan ito nang may katalinuhan, ang pitong matatabang baka, ang pitong payat na baka, ang pitong taon ng taggutom at ang pitong taon ng kasaganaan.
At ang Paraon ay namangha kay Joseph at sinabi sa kanya, “Gagawa ako ng ikalawang utos sa aking kaharian. Gawin kung ano ang kinakailangan para maiwasan natin ang taggutom na ito. “Ang lahat ng ito ay ang orkestrasyon ng Ama na Makapangyarihan sa lahat.
Kaya makinig kayo sa akin at sundin ninyo ang aking payo. Kapag gumawa kayo ng isang disisyon, palaging piliin na sundin ang kalooban ng Ama. sa bawat oras na pagbisita ng apoy sa inyo, ang bawat pagsubok na nangyayari sa inyong buhay, bawat pag-uusig, sa pagtatapos ng araw, palaging piliin na sundin ang kalooban ng Ama. Hindi kayo magkakamali. Sa bandang huli ikaw ay magiging pinakamatagumpay.
(Wakas)