Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
MGA anak na lalake at anak na babae ng Amang Makapangyarihan, kapag kayo ay na-ging espirituwal, kailangan ninyong ituring na espiritu-wal ang lahat ng bagay. Kapag kayo ay inuusig, huwag niyo itong gawing personal, sa halip, gamitin ninyo ang i-nyong espirituwal na pana-naw sa inyong sitwasyon. Ito ay bahagi at sangkap ng ating espirituwal na buhay.
Kapag kayo ay itinuwid nang malupit, ituring niyo itong espirituwal. Subalit kung ang inyong perspek-tibo ay karnal at tinuring ninyo itong personal, kayo ay magkaroon ng galit at tampo, kayo ay mawawalay sa inyong espirituwal na paglakad sa piling ng Ama. Ang diyablo ay gagabay sa inyo palabas ng Kaharian at ipapakita sa inyong muli ang daan sa pagkawasak, ang paggawa ng inyong sari-ling kalooban at paggawa ng kalooban ng diyablo.
Kaya ito ay napaka-praktikal; at ito ay pangkaraniwan na espirituwal na kaalaman sa lahat ng Kingdom Citizens, saan man sila magpunta. Ang mga ito ay aking naipaliwanag na ng maraming beses. Kahit na ang isang batang musmos ay mauunawaan ang aking mga sinasabi.
Ang lahat ng Kingdom Citizens ay hindi makakaiwas dito, mula sa pinakababa hanggang sa pinakataas; ang estadong ito ay matutupad sa ating lahat. Kapag pinatitibay ninyo ang inyong kalayaan sa pagpili na sundin ang Ka-nyang kalooban, magkakaroon kayo ng espirituwal na kalayaan.
Ang ating pagpili ang nagtatakda ng ating kaligtasan
Ang ating pagpili ang siyang nagtatakda ng ating kaligtasan. Bagaman ipina-nganak tayo sa binhi ng ahas, tayo ay binigyan ng Ama ng kalayaan sa pagpili na baguhin ang ating simpleng pagkatao. Nasa sa inyo ang pagpili kung magpapatuloy kayo sa bulok na pagkatao at mamatay nang walang hanggan o tanggapin ninyo ang bagong pagkatao at mamuhay sa piling Niya sa walang hanggan. Ang Ama ay hindi maaring pangunahan ang ating pagpili.
Roma 6:16 “Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka-alipin upang tu-malima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? “
Si Pablo ay nagsabi patungkol sa mga pagpipiling ito: anuman ang iyong pinili, kung ginusto mong ikaw ay manatili sa pagkaka-alipin sa kasalanan tungo sa kamatayan o sumunod sa katuwiran. Gawin mo ang iyong kalooban, ikaw ay mamamatay. Gawin mo ang kalooban ng Ama, ikaw ay mabubuhay. Ang lahat ng bagay sa salita ng Ama, mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, ang lahat ay nangyari mula sa pagpili ng tao. Inihandog ng Ama ang lahat ng bagay na ayon sa Kanyang kalooban, nasa atin ang pagpili. Ito ay katulad ng lamesang ikaw ang mamimili ng iyong kakaiinin, lahat ay naroroon. Nakukuha mo ang gusto mo. Pinipili mo ang gusto mo. Ngunit sa dulo ng lamesa, may kahera na naghihintay para sa iyo, at kaila-ngan mong magbayad para sa iyong mga pinili. Ganito rin sa espirituwal.
ANG KWENTO NI JOSEPH
Katulad na lamang sa kaso ni Joseph. Ang buhay ni Joseph ay nakalaan ayon sa kalooban ng Ama. Si Joseph ay masunurin at lahat ng nangyari sa kanyang buhay ay kalooban ng Ama.
Isang araw ay naranasan ni Joseph ang kawalan ng katarungan na kung ikaw ay nasa kanyang lugar, malamang na ikaw ay maging desperado. Anong nangyari sa kanya? Una, siya ay higit na mahal ng kanyang ama kaysa sa sinuman, ngunit ang masama ay ang kanyang mga kapatid na lalaki ay naging mainggitin sa kanya. Sila ay naging mainggitin sa kanya.
Nagpasya sila sa kanilang masamang isip na palayasin si Joseph upang ang layon ng kanilang paninibugho ay matanggal. Nagkaroon sila ng pagpupulong. Iminungkahi ng isang kapatid na dapat nilang patayin si Joseph, ngunit sinabi ng isa pang kapatid na lalaki, “Hindi, masyado itong malupit. Mag-isip tayo ng iba pa, huwag natin siyang patayin.
Halimbawa ay itapon natin siya sa balon, at kapag tayo ay umuwi sa bahay, kapag tinanong tayo ng ating ama kung saan si Joseph, sasabihin natin sa kanya, Habang binabantayan namin ang iyong mga tupa, dumating ang isang ligaw na hayop at kinain siya at siya ay namatay. “
Kaya’t inihagis nila si Joseph sa isang balon. Ngunit nang iiwan na sana nila si Joseph, ang isang kapatid nito ay nagsabing, “Hindi, masyado itong brutal. Ibenta natin siya.” Kaya nang dumaan ang mga negosyanteng Midiano sa Ehipto, ipinagbili nila si Joseph at sinabi sa kanilang Ama na siya ay pinatay ng isang ligaw na hayop.
Kaya ang unang trahedya ay ang kanyang mga kapatid na lalaki ay nainggit sa kanya. Pangalawa, pinalayas si Joseph sa pamamagitan ng pagbebenta sa kanya sa isang negosyante na isang milyonaryo na pupunta sa Ehipto; ang pangalan niya ay Potiphar. Si Joseph ay nahiwalay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang minamahal na ama. Ang ginawa ng ka-nyang mga kapatid ay isang pagpili. Kaya ang lahat ay naglalaro sa ating kalayaan sa pagpili, maging masama o mabuti. Nahiwalay si Joseph at pumasok siya sa bahay ni Potipar.
Ngunit dahil ang kamay ng Ama ay nasa kay Joseph, ang bahay ni Potipar ay lubos na pinagpala dahil sa kaugnayan ni Joseph sa Diyos. Siya ay naging pinuno ng bahay ni Potipar. Dahil dito, pinagkatiwalaan siya ng ka-nyang among milyonaryong negosyante.
(Itutuloy)