Inihagis ko ang bawat imahinasyon na ang mga ito ay maaaring mapadpad sa pagtalima kay Kristo. Hinuhuli ng internet ang bawat imahinasyon upang kayo ay magiging adik nito. Hindi kayo maaadik kay Jesus Christ o sa Mana ng Kapahayagan, na siyang Salita ng Panginoon, ngunit kayo ay maaadik sa internet. Marami ang naging adik dito.
Mga Taga-Galacia 5:17: “Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.”
Ito ang labanan sa pagitan ng espiritu at ng laman. Sa pagitan ng demonyo at ng Panginoon, ang ating Dakilang Ama. Sa pagitan ng espirituwalidad at karnalidad. Mag-ingat dahil kabilang kayo rito.
Ang internet ay ang Modernong Antikristo
Wala ng sinuman ang nagbunyag rito kundi ako. Si Satanas na si Lucifer ang demo-nyo ay mahusay sa paggawa ng daan sa mga puso at isip ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan at pandaraya. Sa ating panahon, ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay ang internet. Marami rito ay mabubuti, at marami rito ay masasama. Marami sa mga taong mahihina at bata sa pag-iisip ay nahuhulog dahil dito. Si Adan ay nahulog dahil dito.
Marami sa inyo ang sangkot dito. Kapag binuksan ninyo ang internet, naroroon nagsasayaw sa kasiyahan ang demonyo sa harap ninyo. “Halika,” sinasabi niya, “dali at pindutin ito, halika buksan ito.” Marami sa inyo ay gumagawa ng pakikiapid sa pamamagitan ng internet. Walang third party, ngunit ang internet. Binabalaan kayo ng inyong asawang babae na iiwanan kayo kapag hindi ninyo itigil ang anumang inyong ginagawa. At sasabihin ninyo, “Mabuti, maghiwalay tayo, basta’t kasama ko ang aking cellphone!” Mas inibig niya ang internet ng mas higit kaysa sa kanyang pamilya. Mag-ingat tayo!
Mga Taga-Roma 8: 6-8:
(6) Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
(7) Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:
(8) At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
Alalahanin na tayo ay nasa espirituwal na lakad. At panatilihin natin na malusog ang ating espirituwal na buhay sa paningin ng Ama; kahit tayo ay nasa laman, hindi tayo nauugnay sa laman.
Tayo ay mga alipin ni Satanas noon at ang nalalaman lamang natin ay ang ating laman. Ngunit ngayon, meron tayong espirituwal na buhay. Ang inyong espirituwal na buhay ay lumalago ba ng mas malakas?
Alam ba ninyo na ang lahat ng bagay ay nakabase lamang sa espiritu? Itong lahat ay magbabase sa, “Kayo ba ay sumusunod sa Kalooban ng Ama o hindi?”
Kaya ang pangunahing mensahe ng Anak ay: “Hindi ang aking kalooban kundi ang Inyong Kalooban ang masusunod, Ama.”
Hindi sapat na kayo ay gumagawa ng mabuti sa paningin ng Ama. Ang apoy ay bibisita sa inyo upang tingnan kung ang inyong itinatag sa ibabaw ng pundasyon ay tunay, kung ito ay ginto, pilak, o mahalagang bato na hindi nasusunog? Dahil kung kayo ay miyembro ng Kaharian at kayo ay sinubukan ng apoy, at ang inyong mga gawa ay nasusunog, kayo ay babalik sa simula.
Alalahanin na ang inyong katugunan sa apoy ay magsusukat kung kayo ay ginto o hindi, kung kayo ay espirituwal o karnal, kung kayo ay kahoy o ginto. Ano ang inyong reaksyon sa apoy?
Itutuloy…