PINAS

Belingon vs Leone sa ONE: Heroes of Honor


Ni: Noli C. Liwanag

ISA na namang maaksiyong laban ang ihahandog ng ONE Championships sa Pilipinas sa SM Mall of Asia Arena, Bay City, Pasay City sa Abril 20.

Maghaharap sa main event ng ONE: Heroes of Honor para sa bantamweight division sina Kevin “The Silencer” Belingon (17 – 5 – 0) ng Team Lakay at Andrew Leone (8 – 3 – 0) ng Bali Muay Thai and MMA.

Lalaban si Leone kay Belingon sa 20,000-seater arena kung saan panonoorin ng mga Pilipino at mga dayuhang mahilig sa Mixed martial arts.

Nang sumabak sa ONE Championship, naitala ni Andrew, 28, ng Cortland, New York, ang dalawang impresibong panalo laban sa liyamadong kalaban.

Matindi ang kampanya ni Kevin, dahil sa apat na sunod na panalo mula noong October 2016, kabilang ang napakagandang kampeonato kina ex-bantamweight title conten-ders Toni Tauru at Reece McLaren.

Asam ng 30-anyos mula sa Baguio City na makakuha muli ng pagkakataon sa ONE Bantamweight World Championship matapos mabigo kay Gernandez noong Enero 2016.

Bukod kay Belingon, lalaban din si Honorio Banario kay  Adrian Pang (Lightweight); Gina Iniong vs Jenny Huang (Atomweight).

Mapapanood din ang ONE Super Series – Kickboxing (70.0Kg), Giorgio Petrosyan (Italy) vs Jo Nattawut (Thailand); Muay Thai (67.0Kg), Nong-o Gaiyanghadao (Thailand) vs  Fabio Pinca (France); Kickboxing (78.0Kg) Brad Riddell (New Zealand) vs Regian Eersel (Netherlands); Muay Thai (77.1Kg) Elliot Compton (Australia) vs Cosmo Alexandre (Brazil).
FEATHERWEIGHT: Marat Gafurov (Russia) vs Emilio Urrutia (USA); BANTAMWEIGHT: Masakazu Imanari (Japan) vs Dae Hwan Kim (South Korea); STRAWWEIGHT: Adrian Mattheis (Indonesia) vs  Lan Ming Qiang (China).