PINAS

Donaire vs Frampton

Ni: Nole C. Liwanag

HAHANGARIN ng dating four-weight classes champion Nonito “The Fi-lipino Flash” Donaire (38-4, 24 KOs) na iangat ang ka-nyang career sa pagbabalik laban sa April 21 kay Belfast star Carl Frampton (24-1, 14 KOs).

Maglalaban ang dalawa para sa featherweight matchup na sanctioned ng WBO na gaganapin sa SSE Arena sa Belfast, Ireland.

Ayon sa WBO, paglalabanan nina Donaire at Frampton ang interim featherweight title kung saan sinuman ang manalo ay lalabanan ang undefeated full champion na si Oscar Valdez.


Si Carl ay dating world champion sa dalawang weight classes, kung saan hinawakan nito ang titulo nang mapag-isa niya ang WBA at IBF super-bantamweight titles sa pagitan ng taong 2014 at 2016 at ang WBA (Super) featherweight title mula 2016 hanggang 2017.

Ito naman ang ikalawang laban ni Nonito mula nang talunin siya sa twelve round decision ni Jessie Magdaleno noong November 2016.

Sina Carl at Nonito ay may mga bagong promo-ter.

Kung maaalala humiwalay na si Donaire sa Top Rank at nasa ilalim na siya ngayon ni Richard Schaefer ng Ringstar Sports.