Ni: Beth Gelena
HINDI na maitatago ang laki ng tummy ng sexy-actress na si Ellen Adarna. Ilang buwan na lang at iluluwal na niya ang baby nila ng aktor na si John Lloyd Cruz. Ayon sa balita, by June manganganak si Ellen.
Nilabas ng FashionPulis.com ang photo ni Ellen nang sila ay nasa Hong Kong ni Lloydie nitong Holy Week. Walang kumpirmasyon o denial na buntis si Ellen, pero malaki na ang kanyang tiyan.