PINAS

Erich Gonzales sasabak sa action film

Ni: Beth Gelena

PRODUCER na rin ang lead actress ng ‘The Blood Sisters’ na si Erich Gonzales. E.G. Productions ang name ng ka-nyang kumpanya kung saan gumagawa na sila ng pelikula, ang ‘We Will Not Die Tonight’. Si Erich ang bida at ang direktor ay si Richard Somes. Isa itong action movie.

Ayon kay Erich, isa siyang stuntwoman sa naturang movie, at ang konsepto ay suspense action movie. Very thankful siya dahil akmang-akma ang kanyang fit at sexy body sa sariling pelikula. Sana raw after ng movie ay masundan agad kahit hindi siya ang artistang magdadala.