Pinas News
Gusto mo bang ma-achieve ang perfect body shape? Well, hindi ka naman mahihirapan dahil ang pagkakaroon ng sexy abs ay mula sa 80% diet at 20%workout.
Maaari kang mag exercise at mag workout buong araw pero kung hindi mo sinusunod ang tamang diet, never mo ma-aachieve ang iyong inaasam.
Narito ang ilan sa mga fat burning foods na makakatulong sa diet plan mo:
Una ay oats. Ang oats ay isa sa pinagmumulan ng healthy fiber at carbohydrates para sa buong araw na enerhiya. Ito rin ay nakakatulong sa pag-iwas sa badya ng high blood pressure at heart attack.
Ikalawa ay mga itlog. Ang itlog ay pinagmumulan ng protina at may mataas na bilang ng biotin na nakakatulong sa pag-achieve ng magandang kutis, buhok, kuko at mata taliwas sa inilalabas ng mga health industry na ito ang nagpapalaki ng iyong bilbil.
Ikatlo sa nakakatulong sa iyong diet ay avocado dahil ito ay pinagmumulan ng healthy fats, fiber at folic acid na kapag pinagsama sama ay pananatilihin kang busog ng mas matagal.
Ikaapat ay almonds. Ang almonds ang papababa ng pag-produce ng bad cholesterol na nagiging sanhi ng iyong pagtaba, nakakatulong din ito sa pag-function ng iyong brain at pag-iwas sa heart attacks.
Ikalima ay pagkain ng mga dahong gulay. Ito ay maari mong gawing juice o kaya naman ay kainin ng hilaw. Ang mga dahon-dahon ay magandang source ng anti oxidant nutrients at anti cancer nutrients.
Sa iyong pagdidiet, mahalaga na kumain ang mga fat burning foods pero mas importante na putulin na ang nakasanayang pagkain ng matatamis at mga processed foods.
Ang mga harmful ingredients at toxins sa mga pagkaing ito ay magdudulot ng pagtaas ng timbang na iyong iniiwasan.