PINAS

Game 1 PBA Finals, nakuha ng Magnolia

Ni: Noli C. Liwanag

NAUNAHAN ng Magnolia Pambansang Manok ang San Miguel Beermen para sa best of seven finals ng 2018 PBA Philippine Cup, sa score na 105-103, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kamakailan.
Sipag at tiyaga sa court ang ginawa ng Hotshots upang habulin ang 20-points na kalamangan ng Beermen.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, isang magandang simula ang pagkakuha nila ng panalo.

Aminado ito na nahirapan sila lalo na at marami ang nagsasabing hindi sila mananalo sa Beermen.

Naging best player of the game si Ian Sangalang na nakapagtala ng 29  points habang 15 points si Aldrech Ramos at 14 points, six rebounds at 5 assists naman ang naiambag ni Mark Barroca.