PINAS

Gretchen Barreto ‘ungrateful’ ang pamangkin

 Ni: Beth Gelena

NAG-REACT si Gretchen Barretto sa komento ng pamangkin na si Claudia Barreto referring her as “someone else,” nang tanungin ang huli ng press people.

Ani Gretchen, nasaktan siya at ungrateful comment ang sinabi ng pamangkin. Si Claudia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Magkasama sila ng sister niyang si Julia sa isang shampoo commercial.

Nag-viral sa social media ang sagot ni Greta kaya na-bash ang bagets. Lahad pa niya, tinawagan siya ng anak na si Dominique para iclarify ang tungkol sa pinsan.