Pinas News
TUTOL ang ilang bakwit sa planong Marawi rehabilitation.
Ayon sa grupong Moro Consciences, modernong pang-aagaw ng lupa ang gagawing rehabilitasyon ng gobyerno sa Marawi City.
Iginiit ng grupo na hindi nila kailangan ang tulong ng gobiyerno sa rehabilitasyon sa kanilang lugar.
Ayon kay Moro Consciences Group Leader Drieza Lininding, alam nila na pagnanakaw ng lupa ang tunay na motibo sa pagsasaayos ng Marawi City.
Tinututulan din ng grupo na mga Chinese business firms ang mangunguna sa rehabilitasyon dahil siguradong mapupuno daw ng mga negosyo ang ground zero at tiyak na hindi na sila makakabalik pa.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra ang grupo ng Moro na makipag-ugnayan sa Task Force Marawi Bangon Marawi upang malaman ang katotohanan sa likod ng Marawi rehabilitation.
Sinabi ng alkalde na hindi pang-aagaw ng lupa ang gagawin ng gobyerno bagkus ay tutulungan nito ang mga residente na muling makabangon.