Pinas News
IKAW ba ay nakararanas ng madalas na pananakit ng ulo bunsod ng matinding init ng panahon o di kaya dahil sa sobrang pag-iisip? Well, narito ang ilang paran upang solusyunan ito.
Una, uminom ng tubig. Maaaring simple lang pero kadalasan ng mga sakit sa ulo ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ay dahil sa dehydration.
Ikalawa, bigyan ng scalp massage ang iyong sarili. Lumalabas sa mga research na ang pag massage sa iyong occipital nerve, parteng likod ng iyong ulo ay nakakatanggal ng sakit ng ulo.
Ikatlo, i press ang webbed area sa gitna ng iyong hinlalaki at ng iyong hintuturo. I-massage ito sa loob ng isang minuto bago lumipat sa kabilang kamay.
Ikaapat, mag stretch. Minsan ang sakit sa ulo ay sanhi ng muscle tension. Magandang halimbawa ay mga simpleng neck stretches na nakakatanggal ng tension.
Ikalima, kumain ng watermelon. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa likido ay nakakatulong magtanggal ng dehydration.
Ikaanim, mag-massage ng pepermint oil sa gilid ng iyong noo. Nakatutulong ang peppermint oil sa pagpapadaloy ng dugo na maaring sanhi ng sakit ng ulo.
Ikapito, huminga ng malalim. Ang paghinga ng malalim ay nakatutulong sa pag relax at pagtatanggal ng tensyon.
Ilan lamang ito sa mga maaaring gawin kung nakakaranas ng pananakit ng ulo. Bukod sa madali lang itong gawin ay libre pa ito.