Ni: Rommel Placente
PALABAS na ngayon sa takilya ang pelikulang “Never Not Love You,” ang latest movie offering ng Viva Films na pinagbibidahan ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre bilang sina Gio at Joanne.
Mula ito sa direksyon ni Antoinette Jadaone. Umiikot ang estorya sa young couple na nagmamahalan at napilitang mamili sa pagitan ng pag-ibig at career dahil sa reyalidad ng buhay.
Inilalarawan ng pelikulang ito kung paano naging mas mapusok ang mga kabataan ngayon kapag nabulagan ng pag-ibig.
“Pagdating sa love, parang ang galing-galing nila (millennials) mag-isip, mahilig sa hugot lines. Basta ‘pag about love nagti-twinkle ang mga mata nila,” ayon pa kay Nadine.
Dagdag pa niya, “Sa Never Not Love You” ipinababatid na mahalaga ang paggawa ng tamang desisyon sa pag-ibig.”
Naka-relate umano siya sa kanyang role dahil marami raw similarities si Joanne sa kanya sa totoong buhay.
“Kasi very focus po ako sa mga goals ko and sa mga pa-ngarap ko. Like Joanne, mataas din po ‘yung pangarap ko for my family. And gagawin ko po talaga lahat para matupad ko ‘yun. When it comes to love naman, same din naman po. Kasi si Joanne po, iniwan niya ‘yung trabaho niya sa Manila para sumama kay Gio. Nagsa-sacrifice rin po ako para sa taong mahal ko,” pahayag pa ng aktres.
Sabi naman ni James tungkol sa kanyang role, “Si Gio is an artist. Graphic designer siya. Mahilig siya sa tattoos, obviously. He’s living alone in Manila. Freelance graphic designer siya. I can relate to him ‘cause he likes to live in the present. I am much like that, go with the flow.”
WALANG PROBLEMA SA DIREKTOR
Hindi ito ang first time na nakatrabaho nina James at Nadine si Direk Antoinette. Una nila itong nakatrabaho sa defunct tv series na pinagbidahan nila na “On The Wings Of Love”. Ano ang qualities ni Direk Antoinette bilang isang direktor ang nagustuhan nila?
“With Direk Tonette, she’s very young, so we get along really well. And she likes to collaborate with her artists. So she always asking us, “What you think about the characters? Especially dito sa “Never Not Love You”, some of the scenes are impromt. So we really have to collaborate,” ayon kay James.
“For me naman po, I guess here in the movie, is a little bit different. Kasi sa teleserye po, it’s everyday. So rito po sa movie, forever na siya. So mas meticulous po si direk dito sa movie namin,” wika naman ni Nadine.
HINDI MAWALA ANG PAGMAMAHAL SA ISA’T ISA
Kung sa pelikula ay sinabi nila ang mga katagang never not love you, sa totoong buhay kaya ay mangyayari o darating ang time na sasabihin naman nila sa isa’t-isa na never love you?
“Honestly, like I don’t see it po. Parang hindi po ako kumbaga, parang nagpaplano in the future na baka ganito, na baka maghiwalay and all that stuff. Like ngayon po, hindi ko talaga masasabi yan. Pero, no!”sagot ni Nadine.
Sagot naman ni James,”No! I think when you love someone, it’s really forever. You might not be together, but still feel something,”
EXCITED SA MATURE ROLES
Mature at daring na ang role nina Nadine at James sa “Never Not Love You,” hindi sila nagpa-cute rito. After ba ng pelikulang ito ay gagawa o tatanggap pa rin sila ng mas mature o mas mapangahas na roles?
“I think as we get older, we wanna try new things. Ako, I’m super excited to do like a super hero role. But right now, I’m happy with my role here.”sabi ni James na sinegundahan naman ni Nadine ang naging sagot niya sa pagsasabing, “Same! Not necessarily daring, not necessarily more mapangahas. I’m really excited to try a new roles. Mas excited po kami na mag-try ng something new.”
Ang mga magkakarela-syon ngayon, kahit hindi pa kasal ay nagsasama na sa iisang bubong. Ano ang pa-nanaw nila rito?
“Well, it’s fun,” tanging sagot ni James.
“Well, honestly po, it’s not really an issue. As long as you’re both secured and everything is working for both of you, it’s fine. It shouldn’t be an issue at all. If it’s affecting you in a bad way, then you should stop. But if you’re good in it, why not, di ba? If that’s what they want and they’re not stepping on anyone’s toes, then why should it be bad?” pa-nanaw naman ni Nadine.
MASAYA ANG DALAWANG TAONG RELASYON
Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon sina James at Nadine at hindi nila masasabing hindi sila masaya.
Isa umano sa dahilan kung bakit naging matatag ang kanilang relasyon ay dahil naging matalik silang magkaibigan bago pa man minahal ng husto ang isa’t isa.
Ayon pa kay James, ibang klaseng pagmamahal ang naramdaman niya para kay Nadine kumpara sa kanyang nakaraan.
Mas matured na umano siya ngayon at marami siyang natututunan.
Aniya, “noong minahal at ang manatiling mahalin si Nadine ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.”
Para naman kay Nadine, naramdaman niya ang tunay na pag-ibig nang makilala at minahal niya si James.