PINAS

Kris Aquino balik-Kapamilya

 Ni: Beth Gelena

HINDI kami nagkamali ng sapantaha sa Queen of All Media at Social Media Queen Online na si Kris Aquino na siya’y magbabalik sa ABS-CBN nu’ng maging co-manage niya ang Cornerstone Entertainment.

Makakasama ni Kris sa movie ang JoshLia loveteam (Josh Garcia at Julia Barretto). Ayon kay Kris natutuwa siya sa dalawa dahil super authentic daw ang mga ito. Ang title ng gagawin nilang movie ay “I Love You.”

May higing kami na hindi lang sa Star Cinema makakapagtrabaho si Kristeta. Nakikinita namin na muling magkakaroon ng sariling TV show ang number one TV host-actress sa ABS-CBN.