PINAS

Kris Aquino at Cornerstone Entertainment magka-connive

 Ni: Beth Gelena

CONFIRMED! Nireveal ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na parte na siya ng Cornerstone Entertainment.

Bale co-managed ang Cornerstone Entertainment sa kanyang career.

Ayon sa social media queen, pumirma na siya ng kontrata at makakatrabaho na niya sina Erickson Raymundo at ang kanyang KCAP business manager na si Nicko Falcis sa mga susunod niyang proyekto.

Senyales ba ito na muling babalik sa ABS-CBN ang Queen of All Media at Social Media Queen? Knowing Cornerstone Entertainment ay malapit ang puso nila sa Kapamilya Network.