PINAS

Kristine Hermosa balik-kapamilya, mapapanood sa Bagani

Ni: Beth Gelena

BALIK-KAPAMILYA ang magandang aktres na si Kristine Hermosa. Nasorpresa ang mga taga-ABS-CBN sa biglang pagpayag ni Kristine na gumanap bilang si Malaya o ang Dyosa sa epic serye na Bagani.

Ang tanong pagkatapos ng Bagani tuluy-tuloy na kaya ang pagtanggap ni Kristine ng mga proyekto sa Kapamilya Network?