PINAS

Laser Run 2018 sa Ormoc

Ni: Noli C. Liwanag

DALAWANG olympians mula sa Europe ang pumuri sa local government ng Ormoc sa Leyte sa matagumpay na Union Internationale de Pentathlon Moderne (UIPM) Global Laser Run City Tour.

Ang Ormoc City Laser Run 2018 ang pinakaunang sporting event sa buong Pilipinas.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ang nasabing sporting event ay kabilang sa tourism program ng siyudad kung saan ito ay isang run-and-shoot event gamit ang laser gun para sa mga may edad na siyam na taon pababa at 15 taong taong gulang pataas.

Ipinahayag ni Latvian Olympian Deniss Cerkovkis, ang laser run ay magandang aktibidad dahil binigyan raw ng halaga ng lungsod ang nasabing sports.

Ikinatuwa rin ni Bernhard Petruschinsui, German Olympian at international expert sa UIPM laser run ang paglunsad ng nasabing laro sa pamamagitan ng actor-sportsman-politician na si Gomez.