PINAS

Luis Manzano pumatol na naman sa basher

Ni: Beth Gelena

HANGGANG ngayon gusto pa ring malaman ng netizens kung nag-propose na nga ba si Luis sa girlfriend na si Jessy Mendiola. Sa mga bagong pix nilang dalawa ay may nagtanong kung kelan daw ba ang proposal.

Sagot ni Luis, ‘what if tapos na?’ Sambit ng netizen magtatampo siya kapag nangyari ‘yun dahil wala siya. Ani Luis na titiyakin daw niyang nandoon ang kaibigan kapag nag-propose na siya.

May basher na sumingit at hindi maganda ang komento nito. Aniya “til wen ang tamis…” Hindi nagustuhan ni Luis kaya lumabas na naman ang pagpatol niya sa basher. “Pag nawala na yung profile mo tungkol sa Diyos pero nagkakalat ng kanegahan.”