PINAS

MAD Travel: pagsulong sa turismo

Ni: Kristin Mariano

NAGHAHANAP ka ba ng bagong mapupuntahan ngayong bakasyon? Bakit hindi mo subukang maglakbay ng may kabuluhan sa tulong ng MAD Travel.

Kung gusto mong magbakasyon na swak sa badyet ang gastos, nariyan ang iba’t-ibang joiners tours na nanghihikayat ng mga turista. Sa isang joiners tour, kahit sino, pwedeng sumama at kaila-ngan lamang magbayad ng minimum fee. Masasabing sulit ang mga joiners tour dahil sagot na ng bayad mo ang transportasyon, pagkain, at entrance fees.

Nag-aalok ang MAD Tra-vel ng kakaibang joiners tour. Bibigyan ng MAD Travel ng pagkakataon ang mga turista na maranasan ang makasa-lamuha ang tao sa isang komunidad. “Make A Diffe-rence” yan ang ibig sabihin at hangarin ng MAD Travel. Nais ng social enterprise na i-promote and tinatawag na “social tourism” sa bansa kung saan ang isang kompanya sa turismo ay makakatulong sa komunidad.

Sa kasalukuyan, nag-aalok ang MAD Travel ng travel tours sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, Aurora, at Bohol. Bawat tour ay may komunidad na nakikinabang. Sa Bulacan, inililibot ang mga bisita sa GK Enchanted Farm. Sa Zambales, sa isang Aeta village. Sa Bohol, sa isang komunidad ng mga magsasaka na nasalanta ng lindol noong 2013.

For People and For Planet

Naitatag ang MAD Travel dahil sa simpleng suhestiyon ni Tony Meloto, ang nagtatag ng Gawad Kalinga. Sinabi ni Meloto na importanteng may social enterprise sa turismo na makikipagtulungan sa iba’t-ibang komunidad upang mapagyaman ito. Sa pamamagitan ng isang social enterprise, may magbabahagi ng istorya ng komunidad na bibisitahin. Dahil dito, magsisilbing inspirasyon ang mga bisita sa komunidad at ganun din naman ang komunidad sa mga bisita.

Binuo ni Rafael Dionisio at Thomas Graham ang MAD Travel noong 2014. Si Dionisio ay co-owner ng The Circle Hostel sa Zambales at La Union. Si Graham naman ay isang British na manunulat na naka-base sa Pilipinas. Sinulat niya ang librong “The Genius of the Poor: A Journey With Gawad Kalinga”. Matapos ang ilang “trial and error” kung paano patatakbuhin ang social enterprise, matagumpay na nailunsad ng dalawa ang MAD Travel at nakapag-book ng  una nilang bisita noong 2015.

Sa dami ng joiners tour sa bansa, paano nga ba naiiba ang MAD Travel? Layunin ng MAD Travel na gawin and Pilipinas na “number one destination for social tourism in the world.” Tulad ng ibang social enterprise, ang MAD Travel ay “for people and for planet”. Nais rin ng kompanya na bumuo ng isang travel tour na “authentic” at magbibigay ng inspirasyon at kakaibang karanasan, hindi lang sa bisita kundi sa bawat kasapi. Ang mga tours ay nagbukas rin ng oportunidad sa mga pamilya sa komunidad dahil nakapagbigay ito ng trabaho sa kanila.

Turuan silang mangisda

Sa isang ekslusibong pa-nayam, ibinahagi sa akin ni Rafael Dionisio ang malaking pagbabago na nagawa nila sa mga komunidad. “We focus our resources in developing experiences with different communities. Many of these communities do not have a lot of income. However, when you start doing tourism with them, it opens an alternative form of livelihood for them. At first it’s just another form, but later on it becomes a primary source of income. With tourism, there is a lot involved – food, transportation, lodging – so it opens a lot of opportunities. We want to design the experience well, so we bring out the culture best in a community. And we invest heavily in them,” sabi ni Dionisio.

Ipinagmalaki ni Dionisio na kaya ng Pilipinas na suportahan ang isang “sustainable social tourism” at marami tayong maipapakita sa mga turista. Dagdag pa niya, bawat sulok ng Pilipinas ay may tagong mayamang kultura – mula sa mga tradisyon hanggang sa pagkain. Mapapalabas ang tunay na pagkakakilanlan ng bansa sa pamamagitan ng social tourism.

Kahit na dinadala ng MAD Travel ang kanilang mga bisita sa mga “depressed communities,” hindi pinapayagan ng kompanya ang charity o awa. Hindi nila hinahayaang manlimos ang mga pamilya sa komunidad at hindi rin nila pinahihintulutan ang mga bisita na magbigay sa beneficiaries. Bagkus, hinihikayat nila ang mga bisita na tumulong sa ibang paraan na hindi nakakabawas sa dignidad ng mga taong kanilang binisita. Sa kanilang “Tribes & Treks Experience sa San Felipe, Zambales,” kabilang sa mga activities sa tour ang tree-planting upang buhayin ang rainforest na tirahan ng mga Aeta at pinagkukunan nila ng pagkain.

“Give the best to the least, so the least can be the best,” ang isa sa pinakamagandang binanggit ni Dionisio tungkol sa paraan ng pagtulong ng kanilang kompanya sa komunidad. Kumbaga, turuan silang mangisda kaysa bigyan sila ng isda.

Bukod sa joiners tour, gumagawa rin ang MAD Travel ng educational tours para sa mga paaralan at estudyante. Nag-aalok din ang MAD Travel ng “designer tours” para sa mga kompanya na naghahanap ng bagong team building trip.

Plano rin ng kompanya na bumuo ng iba pang joiners tour sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Subalit ang proseso ay hindi minamadali ng kompanya dahil sinisigurado nila ang “authenticity” ng bawat tour at may komunidad na makikinabang dahil ito ang prayoridad ng MAD Travel – isang paglalakbay na may saysay.