Pinas News
Balik-bansa na ang halos walumpung distressed Overseas Filipino Workers galing Abu Dhabi, United Arab of Emirates.
Lulan ng Philippine Airlines Flight PR 657 ang mga naturang OFWS na lumapag pasado alas nuebe na ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal-1.
Pinangunahan ni UAE Ambassador to the Philippines Constancio Vingno, Jr. ang paghatid sa mga nasabing OFW pabalik ng bansa.
Ayon kay Ambassador Vingno karamihan sa mga umuwing OFW ay tumakas mula sa kanilang mga employer, biktima ng pagmamaltrato, at ang iba naman ay biktima ng human traffickings.
Dagdag pa ni Vingno mahigit 150 distressed OFWS pa ang nasa Abu Dhabi na naghihintay ng kanilang skedyul ng paglipad pa uwi ng bansa.
Sinagot din ng Department of Foreign Affairs o DFA ang airfare ng mga umuwing OFWS habang pagdating ng Pilipinas nakaantabay naman ang pagtulong ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.