PINAS

Martin Kristoffer intimidated kay Marian Rivera

Ni: Beth Gelena

AMINADO ang Kapuso actor na si Martin Kristoffer na na-intimidated siya sa misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

Nagkasama sa isang proyekto ang dalawa at naalala ni Kristoffer nang sabihan ni Marian ang mga namamahala sa kanilang wardrobe na palitan ang kanyang damit na suot.

Magmula raw noon ay laging nagdadala si Martin ng iba’t ibang damit upang kapag ang magandang aktres ang kanyang makakatrabaho ay may nakahanda na ito.