Ni: Vick Aquino Tanes
Mainam ang red wine sa pag-iingat ng ating mga puso. Hindi lamang ito basta alak kundi may proteksyon din na ibinibigay na mainam para sa ating kalusugan.
Ayon sa mga pag-aaral, mabuti ito sa sirkulasyon ng ating katawan dahil sa pagbabawas nito sa tsansa ng pagkakaroon ng blood clots.
Ang mga red wine ay mayroong reservatrol. Ito ay isang kemikal na matatagpuan sa balat ng ubas na ginagamit sa paggawa ng red wine.
Dagdag pa rito, makatutulong ang red wine para palakasin ang ating metabolism na nakakapagpabawas ng timbang.
Pero ayon sa mga doktor, dapat ay marunong tayong magkontrol dahil sa kabila ng mga benepisyo nito ay mataas din ang calories ng red wine at mga candy na maari namang magresulta sa diabetes at katabaan.
Hinay-hinay lamang sa pag-inom ng red wine. Isang wine glass lamang kada araw ang tamang pag-inom ng red wine.