PINAS

Morissette Amon priority pa rin ang studies

 

Ni: Beth Gelena

MASAYA ang singer na si Morissette Amon dahil natapos na rin daw niya ang kanyang junior high school sa pamamagitan ng alternative learning system.

Share niya sa kanyang social media account: “I remember back in 2010 in Cebu, that time we decided to relocate to Manila to chase my dreams, nalungkot po talaga ako na kinailangan kong iwan muna ang aking pag-aaral, 2nd Yr HS pa po ako noon. But now there‘s today, where I was one of about 500 students from around QC D1&2 who have graduated/part of the ‘moving up’ ceremony.”

Kahit kumikita na si Morissette bilang singer, priority pa rin daw niya ang studies.