Ni: Vick Aquino Tanes
ALAM niyo ba na ang mga taong madalas uminom ng softdrinks ay mas mataas ang tsansang magkaroon ng hika at chronic obstructive pulmonary disease?
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Zumin Shi ng University of Adelaide sa South Australia, ang mga taong kumukonsumo ng higit sa 500 ml. na bote ng softdrinks araw-araw ay maaaring makaranas ng paghina ng baga.
Napag-alamang ang softdrinks ay gawa sa liquefide carbon dioxide na itinuturing na waste product ng pulmonary system ng tao.
Ibig sabihin, ang carbon dioxide ay yung ibinubuga ng tao palabas ng katawan at sa tuwing umiinom ng softdrinks ay hinihigop natin ito pabalik.
Ang maraming carbon dioxide ang siyang sumisira sa ating baga kaya mabuting limitahan na lamang ang pag-inom ng softdrinks.