Ni: Vick Aquino Tanes
ALAM n’yo bang nakasasama pala para sa kalusugan ang pagluluto sa uling? Naniniwala ba kayo? Ito ay dahil sa usok na dulot nito at hindi sa pagkain.
Ayon sa Department of Health (DoH) may banta raw ng indoor air pollution ang paggamit ng uling at kahoy sa pagluluto.
“The use of the charcoal and wood for cooking is one of the concerns due to indoor air pollution,” ayon sa DOH na halos karamiham sa mga nasa probinsya ay ganito ang klase ng pagluluto.
Nakasasama sa kalusugan ang paggamit ng uling at kahoy bilang panggatong sa pagluluto na maaaring maging sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease, stroke, lung cancer, at sakit sa puso.
Masasabing masarap naman ang mga pagkain na niluto sa natural na apoy subalit masama lamang ang usok na taglay nito kaya naman payo sa lahat ay mag-ingat.
Samantala, nakikipagtulungan na ang DOH sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng mamahagi sila ng LPG o electric stoves para sa mga pamilyang benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program ng pamahalaan.