PINAS

Pati ba buhok, naii-stress din? 

Ni: Vick Aquino Tanes

ALAM n’yo bang kahit buhok natin ay nakakadama din ng stress kaya nasisira ito, nalalagas o nagda-dry? May feeling din sila kaya kailangan nilang mag relax, mag-rebond at magpa-spa.

Hindi maitatanggi na kapag pinag-uusapan ang pagpapaganda, ang buhok ang isa sa binibigyan ng importansya.

Kaya naman nang mauso ang pagpapa-rebond at nakita ang magandang resulta nito ay marami ang napagaya.  Mayroon namang hair spa at hair relax na inaayos ang buhok, minamasahe ang scalp at totally relaxed hair talaga.

Ngunit ang hindi alam ng marami ay hindi lang ganda ang naibibigay nito, kung minsan ay may dulot din itong malaking problema.

Ang hair rebond ay isang proseso na ginagawa sa buhok para ito ay maging tuwid na tumatagal sa loob ng ilang buwan. Matatapang na kemikal ang sangkap na ipinapahid sa buhok at pinadadaanan din ng init ang mga hibla sa pamamagitan ng hair straightener (plantsa para sa buhok).

Dahil sa mabusisi at matagal na oras na gugugulin sa pagpapa-rebond, Maganda ang epekto nito sa umpisa, ngunit marami ang hindi nakakaalam na sa kabila ng ganda nito sa umpisa, sa huli naman ay may negatibong epekto rin ito.

Ang mga kemikal na ginamit matapos ang pro-seso ng hair rebonding ay hindi maikakaila na sumi-sira sa natural na PH balance ng buhok. Dahilan ito para mawalan ng sigla at maging marupok ang mga hibla pagkatapos. Lalo na kapag ang anit ay nabibilad sa init ng araw at polusyon na nakapagpapalala ng problema.