PINAS

Piolo Pascual walang panahon sa love

Ni: Beth Gelena

SO walang katotohanan na nagkakamabutihan na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Totoong magkaibigan lang ang dalawa na tini-treasure nila ng husto na walang love involvement.

Ayon sa tsika hangga’t makakaya ni Papa P. naka-set daw ang mind niya na hindi mag-girlfriend hanggang 2020.  Hindi naman daw niya hinahanap ang magkaroon ng karelasyon dahil masaya naman siya lalo na at kapiling na niya ang anak na si Inigo Pascual, Ang love life raw niya ay ang kanyang career.