PINAS

SMB: PBA Philippine Cup Champion

Ni: Noli C. Liwanag

HINDI na binigyan ng pagkakataon na makaisa pang panalo ang Magnolia Hotshots at tinapos na ng San Miguel Beermen ang best-of-7 PBA Philippine Cup championship sa score na 108-88 na pinilit makuha ang 4-1 na kartada sa dalawang beses na overtime.

Dahil sa panalo ay nagtala ang Beermen ng kasaysayan nang makuha nila ang pang-apat na sunod-sunod na all-Filipino trophy na may walo sa kabuuan.
Ito na ang pang-anim na titulo na nakuha ng Beermen sa loob ng apat na taon sa pamumuno ni coach Leo Austria.

Pinahirapan ng Magnolia ang Beermen mula first hanggang third quarter ng laban kungsaan tinambakan pa nila ito ng hanggang 23 points.