Pinas News
KAPAG sumasapit ang panahon ng tag-init, mas kinakailangan natin ang maraming tubig sa ating pang-araw-araw na buhay Ngunit marami pa rin sa atin ang hindi alam kung paano magtipid ng tubig.
Narito ang ilan sa mga tipid-tubig tips:
Sa bahay, huwag hayaang nakabukas ag gripo lalo na pagkatapos gamitin ng mga nakababatang kapatid.
Isara ang gripo habang nagsasabon ng kamay, nagsisipilyo ng ngipin, naghuhugas ng pinggan, naglalagay ng shampoo o kahit habang nag-aahit ng balbas.
Sa ating pang-araw-araw na pagligo iwasang magbabad sa tubig.
Sa daluyan naman ng tubig, agad kumpunihin ang mga tagas sa gripo at tubo. Ayusin ang flush na tumutulo.
Sa mga pinaghugasan naman ng prutas at gulay o ano pang mga bagay na dapat hugasan, huwag agad itong itapon, kung maaari ay ipunin ang mga ito sa isang timba o drum.
Ang naipong tubig ay pwedeng gamitin pang buhos sa inidoro o pandilig sa mga halaman.
Magtalaga ng isang basong gagamitin buong araw o gumamit na lamang ng bottled water para mabawasan ang kailangan pang hugasan.
Kaya sa ating lahat mahalaga ang magtipid at pahalagan ang isang bagay na makakatulong sa atin lalo na sa pang araw-araw na buhay upang mayroon din tayong magamit sa oras na ating kakailangan lalo na ngayong panahon ng summer o tag-init.
Mahalin ang sariling atin at huwag itong abusuhin.