PINAS

Tarantula burger, matitikman na!

Ni: Ana Paula A. Canua

Tarantula burger, hindi ordinaryong burger ang inyong matitikman sa isang restaurant sa North Carolina, dahil sa exotic toppings nito na oven-roasted tarantula spider.

Ayon sa Bull Burger and Brewery, mapipili ang maswerteng titikim ng tarantula burger sa pamamagitan ng raffle. Ang maswerteng  customers na may lakas ng loob na tanggapin ang challenge at mag-uuwi ng tarantula challenge t-shirts.

Nauna na rito, bilang bahagi ng Annual Exotic Month , nagkaroon na rin ng burger na may sangkap na alligator, iguana, python, turtle at  mga insekto ang restaurant.