PINAS

Token Lizares late bloomer sa larangan ng pag-arte

 

Ni: Beth Gelena

MATAGAL nang nasa entertainment world ang Charity Diva na si Token Lizares, pero ngayon lang niya naisipang pasukin ang pelikula. Late bloomer siya kumbaga pagdating sa pag-arte. Mas inuna kasi ni Token ang music industry kung saan sa iba’t ibang panig ng mundo siya nagso-show.

Last year, nagdesisyon ang Charity Diva na pasukin naman ang pag-arte aside sa singing career niya. Happy si Token dahil very lucky sa kanya ang 2018. And she thanks God dahil maraming blessings ang dumarating sa kanya aside to her singing career.